MACZELLE POV
“Alis na po ako!!” malakas kung sigaw kay mama na nasa kusina.
“Sandali!" Dali-daling lumapit saken si mama at may binigay.
“M-ma a-ano to??” taka kung tanong
“Pwede mo yan gamitin pag nakasalubong mo uli yung lalaki”
Bumuntong hininga ako at nilagay ang ahos at asin sa mesa. “Ma.. seryoso ka po ba? Aanhin ko yan? Di naman yun aswang Jusko ka naman ma..” napatampal ako sa noo at di makapaniwala. Seryoso? Bakit naging mama ko'to.
“Kailangan mo ang asin pang saboy sa mata anak!”
“Ma, ginawa mo naman aswang yung nanakit saken!”
Tumawa si mama, nakakainis. “Aswang? Anak, aswang ang tawag sa mga masama kaya kailangan mo yan.”
“Pero ma...”
“Wala ng pero-pero, Maczelle! Kailangan mo yan para protektado ka. Tsaka, may mga mata-mata sa paligiran.”
Napa-iling ako. “Ma, wala naman aswang dito sa village natin eh.”
“Kaya nga, anak. Kaya kailangan mong mag-ingat. At yan ang gagamitin mo.”
Nakakainis talaga . Pero alam ko namang para sa akin lang naman
“Fine, ma. Pero wag na maulit ha?”
Ngumiti si mama. “Wag kang mag-alala, anak. Mahal kita.”
kinuha ko ang asin at ahos. “Sige, lagay ko na lang sa bag ko.”
“Mag-ingat ka, anak,” sabi ni mama, nakangiti pa rin.
Napatango ako at lumalikod na.
"Dimo ba hihintayin kuya mo? Baka mapano kana naman ha”
“Hindi na ma, nagmamadali kase ako” pagsisinungaling ko, pero ang totoo ayaw ko monang kausapin at makasama si hudlo dahil diko pa alam kung kaya ko siyang parawarin. Nakakairita kase siya eh
“Ganoon ba? Mashado pang maaga kumain kana ba?”
Tumango ako “Gusto kolang po kase maglibot muna ”
“Kung ganoon, ingat ka ha? Text ka pag nakariting ka na”
“Opo ma, salamat!” sagot ko, nagmamadaling lumabas ng bahay. Huminga ako ng malalim ng nakalabas na ako. Grabe.
Bigla kong naalala yung sinabi ni Kai.. kakain pala kami sa labas pagkatapos ng klase . Napangiti ako mag-isa. Teka, anong suot ko kaya? Kailangan kong mag-ayos!
---SAINT TOPTIANS HIGH SCOOL--
NAGSIMULA nakong maglakad paakyat sa hallway feeling ko lumilipad ako. Nakita ko kaagad si Kai sa di kalayuan na nakatayo. Lumapit siya na nakangiti sakin "Kamusta?" tanong niya nakatingin sa akin.
"Okay lang," sagot ko, medyo nahihiya. "Sure kabang kakain tayo sa labas baka kase joke mo lang yun?”
Natawa siya. "Mukha ba'kong nag jojoke?”
Umiling ako. "Hindi naman, pero..."
"Tara na," sabi niya hinawakan ang kamay ko "Mamaya na natin pag usapan baka kase dika maka focus sa klase natin dahil sa date natin mamaya” napahinto ako
’Date’ mag da-date kami??? Waaahhhhhhhh parang gusto ko tuloy umatras!! First time ko makaranas ng date
"B-bakit??? May nasabi ba'kong Mali?” takang tanong niya at umiling naman ako.
“W-wala naman hihi”
Napaka awkward naman!
Nagsimula kaming maglakad, side by side pero bigla kaming nakita ni Ian. "Uy, ano to?" tanong niya nakapamewang pa
BINABASA MO ANG
WHEN ACCIDENTALLY MET YOU |INCOMPLETE|
Teen FictionEveryone knows my name. I mean hindi lahat. Hindi dahil sa matalino ako, hindi dahil sa mabait ako. Kundi dahil sa ang hilig ko magmura, mahilig din ako manuod sa kpop, yung tipong mapapatingin sila dahil sa suot mo.. Ako 'yung tipo ng estudyanten...
