CHAPTER 5:

148 22 1
                                        

MACZELLE POV

Nandito na ako sa eskwelahan naglalakad sa hallway na puno ng ingay at tawanan. Mga kaklase ko busy sa mga usapan tungkol sa mga jowa nila at mga plano sa weekend.

Tss! Ang lalandi kala mo naman magtatagal sila ng mga jowa nila.

Ang tagal ng Major gusto kona agad matapos at makauwi na. Wala akong ganang makipag-usap sa mga ka-klase ko na puro lang chismis. Lalo na yung mga babaeng puro lang landi  Nakakairita lang.

Bigla, nakita ko si Salvez,  ang yabang niya talaga parang pag-aari niya ang buong paaralan. Nakita kong nakatingin siya sa'kin pero hindi ko siya pinansin.  Tss, akala niya siguro makukuha niya ako sa pagmamayabang niya.

“Hoy Mac!” sigaw ni Josie habang hinihingal siya. Tinaasan ko siya ng kilay.

“Ano na naman?”

“Gino-go-gossip ako, e!” sagot niya. “Narinig mo na'ba ang balita?”

“Di ako mahilig manuod ng news” sagot ko medyo uninterested.

“Gaga, hindi yan tungkol sa news!” sabi niya. hinahampas ang braso ko.

“Arayy ko naman! Gusto mo bang sapakin kita ha?”

“hihihi to naman.. Alam mo bang tungkol to kay Salvez to“ Mahinang bulong niya. “ May naka kita raw na may kahalikan siya kagabe”

Bigla nabuhayan ang diwa ko. “Sino?” tanong ko

“Diko alam pero sabi ng nakakita babae raw.”

Nanlaki ang mata ko "Babae?”

Tumango siya “Oo”

Tapos naalala ko kanina grabe siya makatitig saken. Di kayay may gusto siya saken? Napangiwi  ako sa naisip ko. Nakakakilbot yikes

“Hoy, bakit parang nandidiri ka?” tanong ni Josie nakatingin sa'kin ng seryoso.

“Wa--wala” sagot ko at umiling “Nandito na si ma'am” umayos kami ng upo ng pumasok na si Ma'am Castro.

As usual, nakakunot na naman ang noo.

DISCUSS

‘DISCUSS’

‘DISCUSS’

‘DISCUSS’

“Good bye class” Nag bow kami pagkatapos ng klase ni Ma'am. Maya-maya dumating nadin si Miss Tingson.

“Okay listen students! Sino sainyo ang naka experience na ng pagmamahal?” Tumaas yung ibang classmate ko. “Huwag kayong mag-alala walang judgment kahit na crush lang sa kapitbahay." Dugtong niya pa

“Yung topic natin tungkol daw sa love”

“Rinig ko gago” natawa siya sa sinabi ko. Di naman ako nag react ah tungkol sa pag ibig tss. Minsan talaga kailangan mong manapak sa tanga eh.

“Kung sino ang makapag bigay saken ng magandang linyahan na may nakakatawa may 100 points” Nagsimula ng mag taas ang mga kaklase ko.

Sus, alam kung nag taas lang kayo ng kamay kase may points. Pero alam kung inu-uto lang to ni Miss Tingson eh.  "Ayy, nakita ko na yan, class! Nag-taas lang kayo ng kamay kasi may points, eh!"

"Mac, mag taas ka ng kamay dali baka maunahan kapa nila Salvez" sabi ni Josie na parang pinapalakas pa ang loob ko.

"At bakit?" tanong ko na nag tataka.

"Diko alam eh" sagot ni Josie. "Baka may 100 points na makukuha ka!"

Sinapok ko ang ulo ni Josie. "Tanga ka ba? Hindi ako mag-taas ng kamay. Alam ko naman na trip-trip lang ni Miss Tingson 'to."

WHEN ACCIDENTALLY MET YOU |INCOMPLETE|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon