CHAPTER 23:

58 12 0
                                        

MACZELLE POV

Maaga akong nagising dahil sa lintek na alarm clock hindi alarm clock na orasan ko ha? Kundi bunganga ni mama. Aga-aga nagsisigaw na pero hindi naman lahat ng kapitbahay namin ay makakarinig ang sigaw niya yung tipong kami lang ang makarinig.

"Saan kaba kase galing kagabi ha?kola?" bumaba na ako nakita ko sila sa sofa.

"Ma, ulit ulit nalang ba to? sinabi kona man sainyo diba na birthday ng pinsan ng kaibigan ko kagabi kaya matagal na akong nakauwi. Aish naman oh." nagkamot ng ulo si hudlo pagkatapos niyang sabihin yun.

"Alam mo bang alas 11 kana nakauwi kagabi? Pano kung may mangyari sa'yo? Pano kung matulad ka ng papa mo ha??" Natigilan ako gano'n din si hudlo ng sabihin iyon ni mama.

"Ma, hindi ko naman hahayaang may mangyari saki'n lalo na si payatot. Saan pa yung malalaki kung muscle kung hindi kona man gagamitin ha!!" pinakita niya buto buto niyang braso kay mama kaya ang ending hinampas ni mama ng wushu stick ang braso niya kaya tumawa ako.

"Puro ka kalokohan.." tumayo si mama at pumunta sa kusina.

"May care ka pala saken? Ha? Ha?" ngisi-ngisi kung tinusok yung tagiliran niya. "Ha? Sabi kona nga ba eh ha?"

"T-tumahimik ka nga nakakadiri ka, sinasabi kolang yun para hindi na magtanong si mama at hindi na tumaas yung pag-uusap. Kung ano-anong iniisip! Care-care. Care-kir-an ko yang mukha mo."

Nawala yung ngise ko. "Wala ka talagang silbi pakamatay kana bweset!!" tumayo ako at inihampas ko ang unan sa ulo niya.

"Aba'y!!" nanlaki yung mata niya tumakbo ako sa kusina at sinimulan ng kumain bweset kang hudlo ka pagkatapos kung kumain ay umakyat na ako sa kwarto. Naligo na ako at nagbihis na.

ilang minuto pa akong nag nagkulong sa kwaro at inantay na mag 9 ay saka ko napagdesisyon na bumaba

Dahil sabado ngayon pupunta ako sa mall.

"Hoy babae walang klase ngayon sabado kaya saan ka pupunta?" sumbat ni hudlo na nasa may pintuan ko.

"Alam ko di ako ulyanin Tsk!" sinintas ko ang sapatos kung converse high.

"Wow, saan ang punta mo? Sa lamay o sa gig? Ba't puro itim ang suot mo?"

"Kita mo to?" nag form fist yung kamay ko at pinakita sakanya.

Tinignan niya yung kamay ko. "Saan? Wala naman eh."

"Wala diba? Ganyan ka katanga."

"Ano? Loko ka ikaw naman kababae mong tao ang baduy mo magsuot. Hindi na ako magtataka kung walang nagkakagusto sa'yo." sabi niya.

"Wow, true to hurt ah umalis kana nga." tinulak ko siya, bweset ng lalakeng yun!!

"K.K, wag mokong itulak yung kamay mo."

"Arte mo" sabi ko at binagsakan ng pinto makikita niya pag ako nagkaroon ng boyfriend. Ewan kona lang.
Maganda naman ako, boyish nga lang, di ako mahilig sa make-up natural lang kase yung lips ko anong connect? Putek naman

Lumabas na ako bibili ako ng bagong poster balita ko daw ay may bago sila at nag sale ang mall nato. Gusto ko sanang gamitin yung motor ni kuya pero baka hindi na ako masikatan ng araw. Di ako marunong mag drive kaya naman yung bike kona lang na may basket sa harap.

I'm just a wearing a black loose tshirt and cargo pants black. Muka nakong nagsasayaw.

Di pa ako nakakalabas ng village eh nakita ko si lucas dala yung alaga niyang pusa

WHEN ACCIDENTALLY MET YOU |INCOMPLETE|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon