MACZELLE POV:
Ang bola ay nando'n sa team B. Si leih ang may hawak. Nginitian niya kami habang Dini-drible niya yung bola na isang kamay lang ang gamit halatang nagyayabang.
Nag pito na si maa'm. Hudyat na simulan na. Agad naman ipiniwisto ni Leih ang kamay sa ere at sinimulan na niyang tinapik ang bola. Nasa center ako ngayon kaya naman nandito saken ang bola pumunta. Nagdadalawang isip pa ako kung sasalubongin ko pero sa kalaunan ay ginawa ko na lamang. Hinanda ko ang posisyon ko at nakatingin kay Leih na naghahanda na rin. "Sige, sige, ako na!" sigaw ko sa sarili ko baka sakaling makatulong.
Tinapik ko ang bola, pero hindi ko inaasahan na medyo malayo pala ang tapik ko. Nakita ko si Leih at iba pa niyang kasamahan na natawa sa ginawa ko. "Ah, sorry!" sigaw ko nakahawak sa ulo. Natawa naman ang mga kakampi ko.
"Okay lang, next time!" sabi ni Josie na naka thumbs up pa.
Lumapit si Leih sa may net "Huwag kang mag-alala De Vera, maganda ang tapik mo! " Insultong sabi niya at umalis.
“Gago!” bulong ko.
Nagpatuloy ang laro at nakita ko na unti-unti nang nag-iinit ang laban. "Vamos, Team A!" sigaw ni Ma'am
"Tayo na girls! " sigaw naman ni Josie. Nakita ko na nagkakaisa na ang team namin at handa nang lumaban.
Nag pito uli si ma'am.
Si Leih parin ang nag serve.
At as usual sa aken naman ang bola. Lakas talaga ng trip neto eh no! Talagang sinasadya niya talaga na sa aken ang bola.
Agad naman nag-set si Nina at nag-spike si Josie ng sobrang lakas. Nakuha naman agad ni Chan ang bola at binigay sa kasama nila. Nakita ko si Leih na nag-jump "Block! " sigaw ko pero huli na. Naka puntos sila.
“Galingan niyo naman Team A yung tipong ma cha-challenge ako” Ang yabang talaga neto piste
Lumapit saken si Josie "Putulin ko kaya dila neto nang sa ganoon di na makapagsalita ang yabang eh” Sabi ko
“Kalmahin mo puso mo! Hayaan mo siya tignan mo mamaya baka sila pa ang talo” tinapik niya balikat ko at bumalik sa pwesto
Tss!
Sila parin ang may hawak na bola.
Nasa may net ako para kahit papano ma block ko kaagad at hindi mapunta ang bola samin. Kinakabahan ako ng malapot. Tinignan ko si Leih at halatang nag eenjoy siya sa kanyang ginagawa. Gano'n din sina Ashley. Ang ibang mga kasama nila ay seryoso. Well, matagal na kase silang varsity sa larong eto.
Pag tapik ni Leih ay nakuha agad ni Apple ang bola nag set agad ang kasama namin at higher jump si Josie
‘PAAAKKK’
tunog ng bola
"Saken mo ibigay gaga!!!" Malakas na sigaw ni Leih sa ka team niya. Nag higher jump si Leih at agad niya iyon tinapik ng ibigay iyon sakanya. Tumalon ako ng mataas para maharangan ko yun munit nadaplisan iyon saking kamay kaya ang resulta hindi agad nakuha ng ka team ko. Hindi ko yun inaasahan akala siguro nila maharangan ko iyon.
"Nako naman bweset pota"
"Okey lang pwede pa naman yan mahabol"
"Wag mong seryosohin ang laro HAHAHA"
Tinapik ako sa balikat ni josie at ngumite bago siya pumunta sa pwesto niya kahit paano ay naibsan iyon ng pagkadismaya sa sarili ko.. Pwede pa namin yan mahabol
"Salamat.." tipid kung sabi.
Pumwesto na kami muli. Ngayon ay nasa kilid na ako. Nasa center naman ngayon si Josie
BINABASA MO ANG
WHEN ACCIDENTALLY MET YOU |INCOMPLETE|
Teen FictionEveryone knows my name. I mean hindi lahat. Hindi dahil sa matalino ako, hindi dahil sa mabait ako. Kundi dahil sa ang hilig ko magmura, mahilig din ako manuod sa kpop, yung tipong mapapatingin sila dahil sa suot mo.. Ako 'yung tipo ng estudyanten...
