CHAN POV:
“Okay na ba yung mukha ni Mac, Kuya Nurse?” natatawa kong tanong.
Napailing ako. Ano ba namang klaseng tanong ’yan?
“Ah, yeah. Wala namang masyadong nangyari sa mukha niya” sagot ng nurse.
Tumango kami.
“Kaya pwede na siyang magpatira ng bola sa mukha ulit.”
“Aba’t—loko pala ’to ah!” agad kong pinigilan si Ian na mukhang aawayin na yung nurse.
Si Kuya Nurse, tumawa lang at napailing.
“Joke lang. Pwede na siyang makabalik sa room niyo. Wala namang napinsala.”
Nagpaalam na siya sa’min.
Sumilip kami sa kurtina kung saan nakahiga si Mac.
May isang lalaking nakatalikod sa’min, kausap siya.
“Boyfriend niya ba ’yan?” bulong ni Ian.
“Hindi ko alam,” sagot ko.
Lumapit kami.
“Ano ba kasing nangyari sa’yo ha, babae?” galit na tanong ng lalaki.
Grabe naman ’to, walang preno.
“Hindi ko nga alam…” sagot ni Mac.
“Anong ‘hindi mo alam’? Ano ’yan, nagka-amnesia ka agad?”
Kahit masungit siya… ewan ko ba, kinikilig ako.
Awww. Sweet, tangina.
“Ah… excuse me…” nahihiya kong tinaas ang kamay ko.
Sabay silang napalingon.
“Ayyy, nandyan pala kayo?” sabi ni Mac.
“Hindi kami ’to, Mac. Picture lang namin ’to, tangna!”
Tumayo yung lalaki.
“Mauna na ako. ’Di pa tayo tapos. Mag-uusap tayo sa bahay pagdating mo.”
O____O
Nanlaki mata naming lahat.
Si Josie, natawa na lang.
Ibig sabihin ba nito…
mag-asawa na sila?!
“Mac…” lumapit si Katelyn. “A-amp! Okay lang kung ’di ka na virgin… tatanggapin ka pa rin namin—”
“Ano bang pinagsasabi mo?!” nagtatakang tanong ni Mac.
“Diba… asawa mo ’yun?”
Nanlaki mata niya.
“Asawa?! Yung lalaking ’yun?! Yuck! Mandiri nga kayo—kuya ko ’yun, mga tanga!”
“Kuya?” biglang sumingit si Kai mula sa likod ko—parang multo kanina pa.
“Oo! Nakakadiri kayo. Nanindig balahibo ko sa inyo.”
Bigla akong napatingin sa cellphone ko nang tumunog.
“Hello, Ma?”
“Umuwi ka muna. Ihahatid natin ate mo sa airport.”
Ay. Oo nga pala—flight niya ngayon pabalik ng America.
“Sige po, papunta na ako. Bye!”
Humarap ako sa kanila.
“Una na ako. Flight na kasi ni ate pabalik ng America.”
“Sasabay na kami,” sabi nila.
Tumango ako.
Habang naglalakad kami—
“Hoy, ’wag niyong kakalimutan sinabi ko ha!”
“Oo na! Mag-text ka lang!”
Ngumiti ako.
“Oo naman.”
“Mac?” singit ulit ni Katelyn.
“Hmmm?!”
“Sure ka bang kuya mo talaga ’yun? Hindi mo talaga asawa?”
“Hindi nga! Kulit mo! ’Di mo ba nakikita mukha namin? Magkamukha kami!”
“Naninigurado lang. Tsk… infairness ha? Ang gwapo regards mo naman ako!” Kailangan pa naging interesado si katelyn, himala hindi na siya naging mahinhin.
“Tsk! Ayaw ko.”
“Hahahaha!”
Paglabas namin ng gate, agad akong pumara ng taxi.
“Oh, una na ako ah!”
Sumakay ako.
“Sa Nueva Village po.”
“Sige, ma’am.”
Ilang minuto lang, nakarating na ako.
“Ma!”
“Nandito ka na pala. Halika na, pupunta na tayo. Tawagin mo ate mo sa taas.”
Hindi na ako nagpalit pa ng damit.
Sumakay na kami ng kotse ni Mama—
at dumiretso sa airport.
JOSIE POV
Kanina pa uwian, pero nandito pa rin ako sa hallway—nakasandal sa isang puno.
Tahimik na halos ang paligid. Iilan na lang ang estudyanteng dumaraan.
Nakauwi na si Mac.
Ako na lang ang natira.
Hinahanap ng mga mata ko ang isang pamilyar na mukha.
Si Leih Salvez.
Baka umuwi na kanina pa kase tapos ang P.E. namin.
Sa aming dalawa ni Maczelle—
ako yung tipo ng taong hindi umiiwas sa gulo.
Mas hinahanap ko pa nga.
“Ang sama mo kanina, Leij! Hahaha!”
“Hahaha! Serves her right. Masyado siyang epal. Lalo na kapag binibigyan siya ng pansin ni Sir Buenavista.”
Napantig ang tenga ko.
Dahan-dahan akong tumingin sa harap at doon ko siya nakita.
Kasama ang grupo niya.
Masayang tumatawa. Parang walang nangyari.
Bigla silang natahimik nang mapansin ako tinaasan ako ng kilay ni Leih sabay cross arms.
“Well, well, well… Mukhang nag-aaksaya ka talaga ng oras para sa’kin.”
Ngumisi siya. “Hinihintay mo ’ko? Awww… ang sweet naman ng classmate ko.”
Napatingin siya sa mga kasama niya na tumatawa.
Hindi ako nagsalita lumapit ako.
“By the way, guys!” malakas niyang sabi. “She’s Josie Lim—ang dakilang mabait kong classmate!”
Humalakhak sila “Imagine, hinintay niya talaga ’ko. Ang bait, ’di ba?”
Ngumisi ako—pero walang saya.
Dahan-dahan kong hinanda ang kamay ko.
“Nga pala, kamusta na yung mukha ni De Vera—”
Pak!
Hindi ko na siya pinatapos.
Tumama ang kamao ko sa mukha niya.
Napaatras ang mga kasama niya, gulat na gulat.
Natumba si Ashley sa sahig.
Dumugo ang ilong niya—at hindi siya agad gumalaw.
Napangisi ako.
“Serves you right… bitch.” Tinitigan ko siya sana nilagyan ko ng bakal yung kamay ko… para tuluyan na.
“Why did you do that?”
Napalingon ako.
Isa sa mga kasama niya—nanginginig ang boses.
Humakbang ako palapit.
“Gusto mo ikaw ang sumunod?”
Napailing sila. Walang umimik.
Lumapit sila kay Leih at tinulungan siyang buhatin.
Tumalikod na ako.
“Dalhin niyo ’yan sa clinic… baka maubusan ng dugo.”
At walang lingon—
umalis ako.
BINABASA MO ANG
WHEN ACCIDENTALLY MET YOU |INCOMPLETE|
Fiksi RemajaEveryone knows my name. I mean hindi lahat. Hindi dahil sa matalino ako, hindi dahil sa mabait ako. Kundi dahil sa ang hilig ko magmura, mahilig din ako manuod sa kpop, yung tipong mapapatingin sila dahil sa suot mo.. Ako 'yung tipo ng estudyanten...
