CHAPTER 24:

62 9 0
                                        

KIO POV

"Bat mo naman ako iniwan don ha alam mo bang para akong tanga don sa mall sa kakaikot kung asan ka ha? dimo ba naisip yung nararamdam ko ha? Pakiramdam ko para akong batang nawawala at hinanap ang Ina" paulit- ulit nalang niya sinasabi ang mga yan at nakakarindi na sa tenga

'FLASHBACK'

"Dre, dito ka lang may bibilhin lang ako saglit" Sabi ko sa kaibigan ko. Nandito kami ngayon sa mall dahil nakalimutan kung bumili ng ballpen, nawala kase ang paborito kung ballpen bigay kase yun ni dad kaya diko alam kung saan ko nailagay.

Sa pagkakaalam ko kase mashadong mahal ang bagay na yun kaya di na ako magtataka kung wala yan sila dito.

"Dalian mo ha, nagugutom na ako kaya intayin kita"

"Kadiri ka"

"Aba't--- anong nakakadiri don ha? sinabi kolang na hihintayin kita para ka namang dika nasanay saken"

"Oo na! Tumahimik kana nakakarindi kana" di kona pinatapos ang sasabihin niya at umalis na ako at iniwan siya

Malapit na sana ako stationary nang may biglang

BAAAMM

"Shitt!" Mura ko ng makitang nahulog yung bag ko na may laman ng laptop

Shit! Napaka clumsy naman to tss bweset napaka malas ng araw

"Naku..S-sorry hindi ko sinasadya may humabol kase saken." sabi niya na naka yuko habang kinukuha niya ang bag ko sa sahig

"Who?"

Napaangat siya ng tingin at gulat na makita ako "Sir?"

"the fuck with that sir thingy. Dammit!" mahina kung mura. Napatingin ako sa likod niya at may nakita akong tatlong lalake na parang may hinahanap sila.

Sinulyapan ko siya at parang mangiyak-ngiyak siya.

"Sila ba?" tanong ko. Nag igting ang panga ko at salubong ang kilay "Let's go.." nabigla siya ng hinawakan ko ang kamay niya at hinatak ko siya palabas ng mall

Marami ang tumitingin sa'min pero ni isa sakanila ay di ko pinansin ng tingin may ilang babae ang galit na tumingin sila kay de Vera.

Hawak ko parin ang kamay niya hanggang marating na namin yung parking lot kung saan nandoon ang kotse ko.

"S- sir, yung bike ko naiwan sa main entrance ng mall. Babalikan kola--"

"No" pigil ko "You'll stay here ako nalang ang kukuha sa bike mo, ano bang kulay ng bike mo?"

"Medyo dark blue po at may basket sa front" tumango nalang ako iniwan siya.

'END OF FLASHBACK'

Pero diko naman alam na may tao palang nag iintay saken at nawala yun sa isip ko kaya eto siya ngayon walang humpay na paninisi saken.

"Pwede ba dika ba napapagod sa kakadada mo daig mo pa ang babae" tumayo ako sa swivel chair at iniwan siyang nagsasalita parin.

"Tapos ngayon iiwan moko pagkatapos ng lahat ha? Sinamahan kita simula nong mga bata pa tayo tapos ngayon eto igaganti mo ha?"

Napailing nalang ako sa inasta niya.
Bakit pa ako tumagal sa lalaking eto? bweset!

"Ms. Santos?" Tawag ko sa secretarya ko

"Sir?"

"Ikaw na muna bahala sa lahat okay, tawagan mo nalang ako pag may meeting o kaya may problema sa kompanya"

"Yes po sir"

"At wag mong ipagsabi to kay dad maliwanag ba?"

"P-pano po pag tumawag siya at magtanong ng kung ano--"

"Ms.santos" pigil ko "alam mo naman na kaya kita pinili kase magaling ka sa lahat ng bagay diba?" Nanahimik muna siya sandali bago magsalita

"Ka-kaseee--"

"Ms. Santos" lumapit ako sa may bandang tenga niya "Isang salita pa Ms. Santos at mag file kana lang ng resignation at mag impake kana lang" parang natakot naman siya kaya ngumise ako ng palihim

"S-sigee po, ako na po bahala sa dad niyo!"

"Good" pinat ko yung ulo niya at agad naman siyang namula.

Umalis na ako at nakita ko pa rin siya sa gilid ng mata ko na di parin gumagalaw.

"Pre hintay!!!" Nangunot ang noo ko ng makita ko si asther na dali-daling tumakbo papunta saken

"What?" Inis kung tanong

"Anong nangyari don sa secretarya mo bakit parang na freeze siya?" Nagtatakang tanong niya saken

'TING'

hudyat na pagsara ng elevator

"Ewan ko, baka may naalala lang" Sabi ko.

"Alam mo pre ganda sana ng secretary mo kaya lang.."

Tinignan ko siya sa may salamin ng elevator "kaya lang ano?"

"Kaya lang nakakatakot siya parang may tililing" Sabi niya na parang tatakot .

Napailing nalang ako at lumabas ng elevator ng bumukas na eto.

"Teka pre di kaba pupunta sa bahay nila Fernandez mamaya? balita ko kase uuwi na si chamie galing states" napahinto ako sa paglakad at ganoon din siya

Tinaasan ko siya kilay para ipagpatuloy yung sasabihin niya "Dimo naalala si chamie? Yung classmate natin dati sa highschool hanggang college yung magaling mag volleyball"

Napatango ako "Ahhh yung crush ni gariel na hindi siya sinasagot kase babaero? " tumango siya at natawa.

Nagpatuloy kami sa paglalakad "Tatawagin ko si gariel mamaya para sabay na ta'yo pupunta don"

"Wag na! may gagawin ako
mamaya kaya di ako sure kung makakapunta ako" napahinto siya at pinigilan ako. Taka ko siyang tinignan

"Wag mong sabihin dika pupunta?"

"Kaya nga di ako sure diba" inalis ko yung kamay niya na naka hawak sa magkabila kung braso.

"Tss nu bayan, minsan na nga lang natin yun makakasama eh at siyaka yung mommy niya mismo ang nagpa punta satin don" napanguso siya at nandidiri ko naman iniwas ang tingin ko.

Kalalaking tao nakakadiri.

"Tawag nalang ako sa'yo mamaya pag wala na akong gagawin'' Sabi ko at pumasok na sa kotse ng makarating ako.

Diko na pinatapos ang sasabihin niya dahil mabilis kung sinarado ang pinto at umalis.

WHEN ACCIDENTALLY MET YOU |INCOMPLETE|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon