KOLA POV
Kanina pa kami nag aalala ni mama dahil alas otso na ng gabi ay hindi parin umuuwi si mac
Akala ko nga ay nakauwi na siya dito dahil pinauna ko.
"Hindi parin ba sumagot ang kapatid mo?" kinakabahang tanong ni mama na pabalik-balik ang lakad. Tinungo ko ang kusina at kumuha ng tubig at binigay kay mama.
"Bakit ba kase hindi kayo magsabay umuwi? Parehas naman kayo ng paaralan at bahay? Pero kung uwian na ay mag kanya kanya nalang kayo." napaupo si mama at hinawakan ulo.
Tok tok tok
Napalingon kami sa pintuan ng may kumatok.
"A-ako na ma.." pigil ko kay mama na aakmang tatayo.
Binuksan ko ang pintuan at halos lumuwa yung mata ko nang makita ko ang isang lalaking diko kilala pero nang makita ko kung sino ang nasa likod niya ay nakita ko ang kapatid ko na ang putla putla ng mukha at may dugo na halatang galing sa away..
Fuck!!
"Diyos ko!!" lumapit si mama at pinasok ang lalaki, magkasintangkad lang kami pero mas gwapo ako sakanya. Pinahiga niya ang kapatid ko sa sofa.
Pumunta si mama sa kusina.Tinignan ko ang kapatid ko ang dumi ng damit, buhaghag ang buhok at may putok ang gilid ng labi.
Kumuyom ang kamao ko at diko napigilan na hawakan ang collar niya."Anong ginawa mo sa kapatid ko? Ha? Anong ginawa mo sakanya!?" galit kung sigaw.
"Diyos ko, ako kaba naman bata ka!! Ano bang nangyari sa'yo?!" nagmamadaling inilagay ni mama ang basahan at lumapit si sakin.
Pero hindi kopa din binitawan ang collar niya at masama kopa din siyang tinignan. Hinawakan niya ang kamay ko nakahawak sakanya at nagtitigan kaming dalawa.
"Wala akong ginawa sa kapatid mo. Nakita kolang siyang umiiyak sa eskenita at may lalakeng gusto siyang patayin at dinala ko siya dito.."malumanay niyang paliwanag kaya napabitaw ako at napaupo.
"S-sino?" bulalas ko. Linapitan ko ang kapatid ko. Halatang galing sa iyak dahil nando'n pa ang bakas ng luha niya. Gusto kung suntukin yung sarili ko. Mas inuna kopa ang mga barkada ko kaysa sa sarili kung kapatid.
'Kapag may mangyaring masama saken ikaw ang sisihin ko!!"
Napapikit ako.
"Diko kilala.." biglang sabi niya kaya napamulat ko. Fuck!!Kapag malaman kolang kung sino ang gumawa sa kapatid ko ay papatayin ko talaga.
Hindi ako naging mabuting kapatid o kuya sakanya. Ang dali lang ang pinaggawa niya saken pero diko man lang magawa.
"Pasensya na sa ginawa ko kanina diko lang talaga mapigilan."Sabi ko.
"Wala na siyang maintindihan kanina dahil nauna ang takot at panginginig niya kaya hindi ko napigilan suntukin ang gumawa sakanya" Sabi niya, may galit sa boses niya.
Nagulat ako sa sinabi niya. Diko akalain na magagawa niya ang bagay na yun para sa kapatid ko. Alam ko, hindi kami nagkakalayo sa taon nato dahil sa itsura palang ng lalaki eto.
Nakaramdam ako ng parang may halo-halo ng emosyon sa loob ko "A-ano ang nangyari?" tanong ko, nakatitig sakanya
Tumingin siya saken ng seryoso "Diko alam"
"Salamat" Sabi ko nalang na nakatitig sa kanya. "Salamat sa pag hatid sakanya"
Natawa siya, tinapik niya ang baliktad ko. "Walang anuman"
"Alis na ako.."tumayo na siya, handa nang umalis. Kita ko sa mata niya ang pagod
"I... iho..." pigil ni mama, boses niya ay puno ng pasasalamat. "Salamat sa ginawa mo sa anak ko. Utang na loob ko 'to sayo..." Parang maiyak na siya, kaya nilapitan ko at pinaupo. Hindi ko alam kung paano magreact sa drama niya. Ayoko ng mga ganitong eksena.
BINABASA MO ANG
WHEN ACCIDENTALLY MET YOU |INCOMPLETE|
Teen FictionEveryone knows my name. I mean hindi lahat. Hindi dahil sa matalino ako, hindi dahil sa mabait ako. Kundi dahil sa ang hilig ko magmura, mahilig din ako manuod sa kpop, yung tipong mapapatingin sila dahil sa suot mo.. Ako 'yung tipo ng estudyanten...
