DENVER POV
Naka tambay ako ngayon sa labas ng teresa ko habang umiinom mag isa. Hinilot ko ang sintido ko at pinikit saglit ang mata ko pero biglang lumitaw ang mukha ni de vera kanina. Yung ngiti niya, yung mga mata lahat naka ukit sa isip ko. Pinilig ko ang ulo ko para sakaling mawala siya pero nandoon parin. Napa buntong hininga ako.
"Hindi ko dapat pinapansin," sabi ko sa sarili ko. Uminom ako ng alak. Pero hindi ko maiwasang hindi maalala ang mga sandali namin ni De Vera. .
‘Fuck! Why do I have feel this way?’
Bumuntong hininga ako at muli kong nilagok ang natira kung alak.
Napatingin ako sa maliit kong lamesa ko nang may biglang tumawag. “What now Joaquin?” Sagot ko sa kabilang linya
“Boss, di po ako sigurado kung sakanya tong mga gamit pero may nakita po ako ng isang bagay. ”
Napatigil ako at umayos ng tayo “Ano?
Anong nakita mo?”
“Isang kwentas” sagot ni Joaquin.
“Magkita tayo ngayon sa coffee shop ng costa” Diko na inantay pa ang respond niya. Agad akong nagbihis at umalis. Nang makarating ko ang kotse ko ay agad kung pinaharurot ng mabilis na parang wala ng bukas.
Wala pang minuto ng makarating ko ang coffee shop kung saan magkikita kami ni Joaquin. Di naman ako nabigo ng makita ko agad siya sa di kalayuan.
Nakita ko si Joaquin na nakaupo sa isang sulok may isang envelope sa harap niya. Lumapit ako sa kanya at agad naman siyang tumayo ng makita niya ko.
“Ano na?” tanong ko ng makaupo nako.
“Boss, eto po” itinulak niya ang envelope sa akin.
Kinuha ko ang envelope at binuksan ito. Isang kwentas ang nasa loob.
Alam kung sa kapatid ko ang kwentas na'to at hindi pwede ako magkamali. Naalala ko nong nag birthday siya eto yung regalo ko sakanya.
“Saan mo to nakita?” tanong ko
“Sa lumang bodega ko po nakita. Maraming mga sirang gamit ang nakita ko pero yan agad ang nakatuon ko ng pansin” sagot ni Joaquin.
“Pano nalaman na nasa lumang bodega mo nga to nakita?” tanong ko. Matagal bago siya sumagot
“May narinig po kase akong dalawang estudyante na nag uusap sa isang sulok. Nung nnarinig ko po sila at sinabi nilang nakita nila ang isang babae na pumasok sa lumang bodega at may mga kinuha daw ang babae s ay agad ako pumunta roon upang kompermahin yung mga narinig ko. At hindi nga po ako nabigo. ” sagot ni Joaquin. Hinawakan ko ng mahigpit ang envelope dahil sa mga narinig ko.
"Who's she?”
“Diko po alam kung sino pong babae eh, pero nasisiguro ko pong diyan lang siya nag aaral
--------------------
MATAPOS ang usapan namin ni Joaquin at eto ako ngayon nakahiga na sa kwarto ko. Iniisip ko pa rin ang mga narinig ko. Di ako makapaniwala na sa hinahaba-habang panahon ay ngayon ko lang nalaman na sa mismong eskwelahan pa talaga nangyari ang ganoong sistema.
Pasado midnight na at hanggang ngayon ay di parin ako makatulog. Bumangon ako sa kama ko at tinungo ko ang mini bar ko at binuksan ang isang bote at nilagok iyon ng diretso. Kahit paman ilang bote ko na ang naubos ko ay pero di parin ako makaramdam ng antok. Kaya naisipan kong tawagan si Gariel at Asther para naman may kasama akong malasing...
Maka ilang tawag nako pero parin nila sinasagot. Nang ilalagay ko na sana ang cellphone ko ay tumunog eto.
“Nasan ka?”
BINABASA MO ANG
WHEN ACCIDENTALLY MET YOU |INCOMPLETE|
Teen FictionEveryone knows my name. I mean hindi lahat. Hindi dahil sa matalino ako, hindi dahil sa mabait ako. Kundi dahil sa ang hilig ko magmura, mahilig din ako manuod sa kpop, yung tipong mapapatingin sila dahil sa suot mo.. Ako 'yung tipo ng estudyanten...
