CHAPTER 34:

49 5 0
                                        

DENVER POV:

Nandito pa rin ako sa Saint Toptian.
May kailangan lang akong sabihin sa isang tao.
Kunot-noo kong tinungo ang opisina ng dean.

Pumasok na ako sa loob, kahit kailan ay wala sa vocabularyo ko ang kumatok. Pipihitin kona sana ang pintuan ng main office ng dean ay napatigil ako dahil may kausap siya

“Alam ko… hindi mo alam kung anong pag-iingat ang ginagawa ko para wala siyang malaman… Yes, of course… Nah, hanggang ngayon, hindi niya pa rin alam… Well, kasalanan ‘to ng ama niya… Oo naman, hindi ‘to mangyayari kung hindi siya nagpapa-sipsip sa mga magulang namin. Kaya nasa kanya na lahat ng kumpanya na dapat ay sa’kin…”
Napakunot ang noo ko. “kunting tiis na lang, sisirain ko buhay nila hahaha!”
Bumilis ang tibok ng puso ko.

Pamilyar ang boses.
At ang sinasabi niya—
parang may kinalaman sa pamilya ko.

Sa pagkamatay ng kapatid ko.

Hindi.
Hindi ako dapat magpadala sa hinala.

Pero—
sino ang kausap niya?
“At hanggang sa matapos ang lahat…” patuloy niya.
Hindi ko na narinig ang iba.
“B-Buenavista…”

Natigilan ako.
Nakatayo na pala ako sa harap ng pintuan. “Kanina ka pa diyan?” tanong niya at halatang gulat.

"Ba't naman kayo gulat na gulat? May dapat ba akong malaman o may sekreto kang hindi ko dapat malaman?"

Nagulat siya."W-wala. Ano kaba naman kio. Kilala mo naman ako diba? Simula nong bata kapa..Pati pamilya mo.." dagdag niya, ang kanyang mga salita ay nagsisimula nang magkamali

Tumitig lang ako.
Walang emosyon. Ngumisi ako.

“Ano, walang inaalok na upuan?”

Nataranta siya. “K-kio, maupo ka muna—”

“Wag mo ‘kong tawaging Kio.”

Napaatras siya. Natigilan siya sinabi ko at ngumite din kalaunan
“Pasensya na, sensitive ka pala sa pangalan nayan upo ka muna.." Napakunot ang aking noo, ang aking mga mata ay nakatutok sa kanya, naghihintay ng kahit anong reaksiyon. Kumuha siya ng isang botelya ng tequila at nagsalin
“Uminom ka muna.”

Kinuha ko ang baso sandali akong tumingin sa kanya.
“May JS Prom ang mga estudyante pagkatapos ng intramurals.”

“O-oo… walang problema.”
Tumango ako. Hindi ako pwedeng magtagal dito may kailangan pa akong asikasuhin.

Hahakbang na sana ako nang “Kio…”
Napahinto ako. “Wala ka bang balak patawarin ang anak ko?” tanong niya, may bahid ng pag-asa ang mga mata.

“Sa tingin mo dean?” malamig kong sagot. “Magagawa ko pa bang balikan ang mga bagay na dapat ginagawa namin noon, noong mga bata pa kami?” Huminga ako nang malalim.
“Pagkatapos ng nangyari—wala siyang ginawa. Pinanood niya lang ang lahat habang nangyayari sa harapan niya.” Dahan-dahan akong tumingin sa kanya, diretso sa mga mata niya. “Sa tingin mo… mapapatawad ko siya?” Sandaling katahimikan.
Ramdam ko ang unti-unting pag-iinit ng dugo ko.

Ang kamao ko—kusang kumuyom. “Hindi, dean.” Mas matigas na ang boses ko ngayon.

“Hindi ko siya mapapatawad.”
Isang saglit na katahimikan—bago ako nagsalita ulit, mas mabigat ang bigat ng dibdib ko “Hindi ko siya mapapatawad… sa ginawa niya sa kapatid”

“Kio, pakiusap—”

“Hindi.”

Napatingin ako diretso sa mata niya. .
“Hindi ko siya mapapatawad.”

“Pero bata pa siya noon—!”

“ALAM NIYA ANG GINAGAWA NIYA!”
Sumabog ang boses ko. Napaurong siya. “Hindi mo alam ang pinagdaanan ko… wala kang alam. Hanggang hindi ko nakukuha ang hustisya para sa kapatid ko hindi ako titigil. Kung kailangan kong sirain ang buhay nila… gagawin ko.”

Nakita ko ang takot sa mga mata ni Mrs. Dean. Puno ng luha ang kanyang mga mata.
“Kio, pakiusap… huwag mong gawin ito. Ang anak ko… nagsisisi na siya…”
Huminga ako nang mariin.

“Alam kong anak mo siya at may karapatan ka” mariin kong sagot. “Pero hindi ko pa rin lubos maisip bakit hindi niya man lang nagawang tulungan ang kapatid ko? Alam niyang humihingi na ng saklolo, at nasa harap lang niya ang lahat.”
Dahan-dahan kong itinaas ang tingin ko sa kanya. “Sa tingin mo may mukha pa siyang ihaharap pagkatapos nun?” Napaurong siya sa galit ko. “Hindi ko siya mapapatawad.”

“Dahil bata pa siya, Kio! Hindi niya alam ang gagawin niya noon! Natakot siya… takot din siya na baka siya ang mapahamak! Ang alam lang niya… ay tumakas!”

“Alam ko ang nararamdaman mo”

“Matagal na ’yun. Siguro… masaya na ngayon si Karina—”

“WALA KANG ALAM.”

BLAAGG!

Binagsak ko ang pintuan nang makalabas ako kuyom pa rin ang kamao ko salubong ang kilay ko habang naglalakad. Nag-iwas ng tingin ang mga estudyante sa paligid. Tumabi sila para bigyan ako ng daan.

Takot sila. Mabuti naman huwag lang nila akong subukan—baka madamay sila sa galit na pilit kong kinokontrol.
Wala akong ibang hinahangad kundi ang hustisya.
Para sa kapatid ko.
Para sa kapatid kong hinarass at nilapastangan sa loob ng paaralang ito—na walang kamuwang-muwang, na walang kalaban-laban.

Binagsak ko ang pintuan ng opisina ko at humingal habang umupo.
Niluwagan ko ang necktie ko, saka uminom ng tubig. Kailangan kong kumalma.

Kaya ganoon na lang ang naging asta ko kanina sa dean. Dahil anak niya iyon—at kapatid siya ng papa ko.

Magkaiba nga lang sila ng apelyido. Hindi sila tunay na magkadugo.
Magkapatid lang sila sa ina.
At kahit kailan, mabait siya sa akin. Wala siyang ipinapakitang masamang motibo.

Pero hindi sapat iyon para pagkatiwalaan ko siya agad.


From: 63946***

‘Can we meet in Luneta Park? I just missed you, Kio.*

Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw kong tinatawag akong “Kio” ay dahil sa mga alaala na bumabalik sa tuwing naririnig ko ang pangalang ’yon.
Isang tao lang ang may lakas ng loob na tawagin ako nang ganoon.

Si Jaime.

Matagal na kaming hiwalay.
Pero kahit gaano na katagal, tuwing nagpaparamdam siya—parang walang nangyari sa’kin.

Parang hindi niya ako iniwan.

Parang hindi niya ako pinili.

Pinagpalit niya ako sa “vision” niya—
isang model. Isang pangarap

Fvck!!

Itinabi ko ang cellphone ko at in-off ito. Wala akong balak sagutin ang mensahe niya. Kahit pa gustuhin niyang makipagbalikan hindi na ako babalik. Matagal na panahon na rin ang lumipas, pero kahit isang katiting na pagmamahal para sa kanya…

wala na.

Ang natira na lang sa’kin—
galit.

At pagkadismaya sa sarili ko.
Kung bakit ko pa siya hinintay nang matagal.

Napaupo ako sa upuan ko.
Dahan-dahan kong pinikit ang mga mata ko, pilit na pinapakalma ang isip ko.

sinusubukan kong alisin ang mga alaala na hindi ko na kailangan. Pero ang mukha niya ay nandoon parin, nakangiti at nagpapaalam sa akin na parang walang nangyari.

Bigla akong tumayo at kinuha ang isang larawan sa tabi sa gilid ko. Si karina, ang kapatid ko na namatay. Ang dahilan kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito. Ang dahilan kung bakit ko hindi pwedeng mahulog sa pagmamahal ulit.

"Hindi na ulit" bulong ko sa sarili ko.

"Hindi na ulit ako mahuhulog sa pagmamahal."

WHEN ACCIDENTALLY MET YOU |INCOMPLETE|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon