CHAPTER 43:

5 1 0
                                        

DENVER POV

"Boss, alam kona po kung saan nangyari Ang insidenti sa pagkawala ng kapatid mo. May mga information po nakapagbigay saken kanina lang" sabi ni Joaquin saken.

Tumayo ako mula sa upuan ko at nakatingin kay Joaquin. "May isang lalaki po ang naka kita kung saan po siya pinaslang " dugtong niya "Nagtratrabaho po siya noon sa kompanya ng tita mo dati sa Buena Costa. Eto po yung picture."

Inabot niya sa akin ang isang picture. Tiningnan ko ito at pinagmasdan. Nakasuot siya ng pang janitor na unipormi.. "Sino ito?" tanong ko.

"Siya po si Ricardo boss," sagot niya. "Sa pagkaka alam ko po may dalawa po siyang anak. Isang lalaki at babae. Nag aaral po sila ngayon sa publiko ng Saint TOPTIANS."

Napakunot ako. "Anong balita kay Ricardo may alam kaba sakanya ngayon??"

"Wala na po akong balita sakanya," kumuyom ang kamao ko. "Ang balita daw po ay may alitan po sila ng kapatid ng papa mo dahil sa hindi pag unawaan sa pag bigay ng sweldo."

"Gano'n ba?" Tumingin ako uli sa picture at kinuyom. "Sige, kailangan natin pumunta sa lugar kung saan pinatay ang kapatid ko."

"Yes, boss," nauna ng umalis si Joaquin bago ako sumunod. Dumiretso ako sa kotse ko at pinahurotot ng mabilis na akala mo walang mga sasakyan.

Mga ilang minuto din ay dumating na kami. Nagulat pa ako ng huminto ang motor ni Joaquin sa harap ng gate ng paaralan.  Di muna ako bumaba. Pinagmasdan kolang siyang lumapit sa sasakyan ko at kumatok.

“Nandito na po tayo boss”

Huminga ako ng malalalim bago ako bumaba sa kotse ko. Tumingin ako sa relo ko at malapit na mag alas singko  ng hapon.

"Let's go" Nauna nakong maglakad. Hindi ko akalain na dito siya sa paaralan nato pinatay. Ang walang kamuwang-muwang na kapatid ko na gusto lang mag aral ng matiwasay ay pinatay lamang ng walang dahilan. Dapat di kana umuwi ng pilinas Karina. Diko akalain na sa murang edad mo ay kinuha kaagad.

Napakuyom ako ng kamao habang naglalakad. Ang sakit pa din pala hanggang ngayon ang pagkawala mo, Karina.

Napatigil ako sa paglakad at tumingin sa palung-lung na mga gusali ng paaralan.

Tumingin ako sa mga estudyante na naglalakad sa hallway. Hindi nila alam kung ano ang nangyari sa kapatid ko. Hindi nila alam kung gaano kasakit ang pagkawala niya.

Napakuyom ako ng kamao at tumingin sa isang estudyante na naglalakad papunta sa akin. "Hoy, anong tingin mo?" sabi niya.

Tumingin ako sa kanya at sinabi, "Wala, pasensya na."

Umalis ako at nagpatuloy sa paglalakad. Sinundan ko lamang si Joaquin na ngayoy nasa unahan.

"Denver" napahinto ako ng may tumawag sa pangalan ko.

“Dean..”

“W--what are you doing here?” parang nagulat pa siya dahil nakita niya ko

“Pumunta ako dito kase may gusto lang akong malaman..” sabi ko.

“A-anong ibig mong sabihin!” tanong niya.

"Wala naman, nag iimagine lang ako ng mga bagay-bagay nong nag aaral pa dito si karina” sabi ko.

“Ganoon ba? Baka gusto mo mag kape?” tanong niya.

Tumingin ako sa kanya at nakita ko sa mga mata niya na parang balisa “Sige, salamat” sabi ko.

Pumunta kami sa isang coffee shop sa tabi ng paaralan. Nag-order kami ng kape at umupo sa isang table.

“Pwede ba akong magtanong dean” tanong ko.

WHEN ACCIDENTALLY MET YOU |INCOMPLETE|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon