CHAPTER 21:

65 11 0
                                        

KOLA POV

"Hello??" sabi ko, kakalabas ko lang ng room namin nang may tumawag sakin.

"Pre, may bagong racket mamayang 5pm sa may sea side banda. 1000k thousand ang pusta kung sino ang mananalo.. Shet pre, makakabili na ata tayo niyan ng sports car.." napangite ako ng marinig ko ang sports car. Matagal na namin pinapangarap yan ng mga kaibigan ko na makabili.. Talagang humanap lang kami ng paraan para makaipon kami at makabili ng ganyang klaseng sports car.

"Sino pala ang naghamon?" nagtatakang kung tanong. Matagal tagal na kasing may naghamon sa'min at hindi ko naman alam kung sino eto.

"Diko alam pre, hindi kase sinabi ng tagapamahala kung sino ang humamon. Akalain mo yun dre, 1000k thousand. 1000k!! Haha excited na ako. Ako pa ang excited kaysa sa'yo." Natawa ako hawak kopa din yung cellphone ko habang naglalakad sa hallway.

"Talaga Haha sige, sige! Punta ako diyan mamaya kailangan kong makita kung sino ang makakatapat ko" sabi ko nakangiti

"Yow, sure ka na ha? Wag ka nang mag-back out," sabi ng kaibigan ko sa kabilang linya.

"Haha bakit naman ako mag-back out? Nandito na ako naka-ready na ako" sabi ko nakangiti ng confident.
.

"Kaninong ang gagamitin natin.?"

"Natin? tongak ikaw lang ang kumalaban sa naghamon hindi kami kasama ni Justin at hindi motor ang gagamitin mo kundi sports car. Wag kang mag aalala humiram ako sa pinsan ko basta wag lang nating gasgasin yung sakyanan niya alam mona man yun, mashadong maarte pagdating sa mga gamit niya."

Nakalimutan kong isa nga pala sa cousin niya ang may ganyang sports kase sumali din siya sa mga ganito noon. "Sige, mamaya na lang ulit," sabi ko at tinapos ang tawag.

hindi ko na mapigilan ang ngiti ko at sinununtok ang hangin dahil sa tuwa Sports car na!

Napawi ang ngiti ko ng biglang may tumawag sa likod ko. "Hoy, ikaw hudlo!"

Alam ko ang boses na'to at isa lang tao ang kayang tumawag saken ng hudlo

Lumingon ako at nakita ko ang isang babae na may bukol sa ilong "Ikaw pala akala ko sino"

"Sino kausap mo?" tanong niya ng makarating na siya sa kinaroronan ko. Piningot ko yung ilong niya kung nasa'n yung malaking pimple.

"A-arayyy!!! A-ano ba. Bitawan mo yung ilong kooo!!" hinawakan niya yung ilong niya pagkatapos kung pingotin..

Halos umiyak na siya dahil sa sakit.

'Masakit ba talaga yan?'

"Masakit ba?" tanong ko na parang nag alala kahit hindi naman talaga

Sinamaan niya ko ng tingin."Gusto mo kutos? Kita na ngang umaray nako hindi mopa din binitiwan? Kung ikaw kung ganyanin ko? Ha?" dipa rin mawala yung sama niyang tingin saken kaya natawa nalang ako. Halos pula na yung bahagi ng ilong niya. Inakbayan ko siya.

"Haha gusto mo turuan kita kung pano magdrive ng motor?"

Napatingin siya saken. "Talaga?"

Tumango ako. "Oo, tapos kita nalang tayo sa hospital." pagkatapos kung sabihin iyon ay tumakbo ako dahil alam kung sasapakin niya ko anytime. "Hahahaha!!" tawa parin ako ng tawa.

"Sige, tumawa ka akala mo hindi kita maabutan sa bahay hudlo ka." nangingilati niyang sigaw at tumakbo patungo saken.

Isa sa mga dahilan kung bakit lage ko siyang inaasar. Dahil gusto kung tawagin niya akong kuya. Hindi kami gaanong close ng kapatid ko dahil ayaw kolang. Pero, bilang nakakatanda niyang kapatid o kuya niya ay hindi kona man hahayaang may mangyaring hindi maganda sakanya. Dahil ako lang ang dapat manakit sakanya.

WHEN ACCIDENTALLY MET YOU |INCOMPLETE|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon