CHAPTER 15:

97 15 0
                                        

DENVER POV:

"Ba't ba tayo nandito?"

"Wag ka ngang maingay dre, tulungan mo nalang ako sa gagawin ko"

"Bakit ba kase sinama mo pa ako dito sa kalokohan mo, alam mo naman na marami pa akong gagawin sa opisina ko at sa mga susunod na araw eh magsisimula na ako bilang instructor sa isang eskwelahan" inis na talaga ako sa lalaking eto, walang ibang ginawa kundi puro kalokohan ang nasa isip niya, kanina pa kami pasikot-sikot sa mall na'to at kahit isa man lang wala pang nabibili etong si Gricar.

Inihinto niya muna ang ginawa niya at matalim ang titig niya saken.

"Dre, kaya kita sinama kase alam kung matutulongan mo'ko pero diko naman inaasahan na aawayin moko dito sa mall. Tignan mo ang mga tao dito pinagtitingan na tayo dito." Inakbayan niya ako kaya inis kung inalis yun.

"Paano di tayo pinagtitingan eh nandito tayo sa wowen section, di kaba nag iisip ha na tayong dalawang lalake lang dito at isa pa kanina pa tayo dito at mag ta-tatlong oras na." natawa siya at napa iling.

"Oo nga no diko naisip yun hahaha " huminto siya siya sa paghahanap at tumingin saken "Oh nga pala bat ka magtuturo di kaba na kontento sa binigay ng dad mo"

"Bakit dimo tanungin kapatid mo kung bakit magtuturo ako sa eskwelahan?" Napaisip pa siya at tumawa ng malakas .

"HAHAHAHAAHA Oo nga pala nabanggit pala niya ang bagay na yun, ibang klase talaga ang kapatid ko biruin mo yun napapayag ka talaga niya sa isang kondisyon Hahahah" kunot noo ko siyang tinignan habang siya naman ay walang hinto sa pagtawa.

"Eh bakit ba kase nagpa buntis pa yang kapatid mo?" Napahinto siya at tumingin saken.

"Kaya nga ginawa ng diyos ang lalake at babae para magmahalan sila at bumuo ng pamilya diba. Diba mo naman agad sinabi dre na nacucurios ka sa pagbubuntis ng kapatid ko ede sana tinanong ko siya kung bakit nagpabuntis agad"

"Tss" Umalis nalang ako at iniwan siya sa loob ng make up section

"Teka sandali! di pa tayo tapos mamili dre" sigaw niya.

"Ano ba kasing bibilhin mo dito?" Diko talaga maitago na naiinis na ako.

Ang ayoko pa talaga sa lahat ay yung sinasama ako sa mga walang kwentang bagay.

Natapos kona nasa ang mga ginagawa ko sa opisina ko kung di lang siya makulit, kaya lang bigla etong pumunta doon at humingi ng tulong saken, diko naman aakalain na dito pala ang punta.

"Birthday na kase ng gf ko sa pangalawa at diko alam kung anong dapat kung eregalo" nakapakamot siya sa batok.

"Ilang months na'ba kayo ng girlfriend mo?"

"Mag th-three days palang pre" napakamot siya sa batok.

"Ke bago-bago niyo palang bibigyan mo agad ng regalo"

"Syempre para mahalin niya ko Lalo"

"Style mo dre, alam kung sex lang habol mo sakanya"

"Shhh baka may makarinig sayo"

"Totoo naman, dina ko magtataka kung sa susunod na buwan eh iba na naman ang putahi mo tss"

"Dre naman, nag bago na ako at isa pa gusto kolang naman na tulungan mo ko ngayon"

"Tss dapat tinanong mo siya kung anong mga gusto niya hindi yung ako pa yung tatanongin mo eh diko nga alam tss"

"Ayoko baka mahalata niya." Napanguso pa siya.

"Sandal nalang baka gusto niya" suggestions ko

"Nako marami ng sandal si bella"

"Relo baka gusto niya"

WHEN ACCIDENTALLY MET YOU |INCOMPLETE|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon