MACZELLE POV
Wala ako sa sarili habang nagpadyak ng bike pauwi sa kalsada. Paulit-ulit pa rin sa isip ko ang nangyari kanina—yung napadpad ako sa lumang bodega.
Hindi ko maintindihan kung bakit hiwalay iyon sa campus namin. Kung tutuusin, sakop pa rin naman iyon, pero bakit parang walang nakakaalam? Kahit mga estudyante sa TopTian—parang wala ni isa ang may ideya. Pati dean, mukhang walang alam.
Shit… nakakalito.
At kung iisipin, bakit may mga taong pumupunta pa doon?
Yung dalawang lalaking narinig ko… may kinalaman kaya sila doon sa babaeng ‘yon? Yung I.D na nakita ko—kanino kaya ‘yon? Buhol-buhol ang mga tanong sa isip ko. Kahit kanina habang nagki-quiz kami, lutang pa rin ako.
Parang hindi ako mapakali hangga’t wala akong nalalaman.
Pero hindi lang iyon ang gumugulo sa utak ko.
Si Sir Buenavista…
Napakagat ako sa labi ko habang patuloy sa pagpedal.
Kanina, nung nakita niya ako… hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan nang gano’n. Parang kusang bumilis ang tibok ng puso ko sa bawat tingin niya.
Hindi ko siya kayang titigan sa mata.
Parang… may kung anong nangyayari.
Parang hinihila ako.
Parang bawat beses na magtagpo ang mga tingin namin, may kung anong humihigop sa atensyon ko—na hindi ko maipaliwanag at mas lalong hindi ko makontrol.
Napailing ako.
“Focus, Mac” mahina kong bulong sa sarili ko.
Hindi ito ang dapat kong iniisip.
Mas importante kung ano ang nakita ko sa bodega.
Doon dapat ako mag-focus.
Pero kahit anong pilit ko…
Bumabalik at bumabalik pa rin sa isip ko ang mga mata niya.
Bakit naman kase kinakabahan agad ako? Diko naman siya gusto.
“Tang—”
BEEP! BEEP!
“Aray!!”
Natumba ako kasama ang bike dahil
sa lakas ng busina. Nauna ang tuhod ko sa semento kaya agad itong nagdugo. Napangiwi ako sa sakit habang unti-unting inaangat ang ulo ko para tingnan kung sino ang bumangga.
Isang magandang kotse ang tumambad sa harap ko. Maya-maya, bumukas ang pinto at isang babae ang mabilis na bumaba.
Dahan-dahan akong tumayo, pinagpag ang sarili, at napangiwi nang maramdaman ko ang hapdi ng sugat sa tuhod.
“Hey, bitch! Kung gusto mong mag-bike marathon, huwag dito! Huwag kang humarang-harang sa daan—akala mo kung sinong sikat, eh hindi naman!”
Napanganga ako sa sigaw niya.
Seryoso? Ako pa ang sisigawan?
Huminga ako nang malalim, pinipigilan ang init ng ulo ko.
“Miss, wala akong ginagawang mali,” kalmado ngunit malamig kong sagot. “Nasa tamang lane ako.”
Tiningnan ko siya nang diretso
“Kung ikaw ang nagmamadali, dapat marunong kang mag-ingat—hindi iyong basta-basta ka na lang bubusina at sisigaw.”
Sandali siyang natigilan, halatang hindi niya inaasahan na sasagot ako pabalik.
Pinilit kong ayusin ang postura ko kahit masakit ang tuhod ko.
Hindi ko siya tinitigan nang matagal—pero sapat na para iparating na hindi ako papayag na bastusin nang ganito.
Aba! Di naman ako papayag na sigaw-sigawan ako ng babaeng to
Nanlilisik ang mata niya habang mataray na sumagot,
"You don’t know me? I’m a famous model in Italy at sa Pilipinas."
Napahinto ako saglit saka napangiti—hindi dahil humanga, kundi dahil sa pagmamayabang niya.
"Famous ka pala? Bakit hindi ko alam?" sarkastiko kong sagot. "Edi sana nagpa-autograph na ako sa’yo."
Lalo siyang nainis halatang hindi sanay na sinasagot nang ganito.
"Well, wala naman akong balak kilalanin ka" dagdag ko, diretso ang tingin sa kanya. "Ako yung tipo ng taong walang pakialam sa mundo—lalo na sa mga taong hindi karapat-dapat kilalanin."
BINABASA MO ANG
WHEN ACCIDENTALLY MET YOU |INCOMPLETE|
Teen FictionEveryone knows my name. I mean hindi lahat. Hindi dahil sa matalino ako, hindi dahil sa mabait ako. Kundi dahil sa ang hilig ko magmura, mahilig din ako manuod sa kpop, yung tipong mapapatingin sila dahil sa suot mo.. Ako 'yung tipo ng estudyanten...
