CHAPTER 31:

60 5 0
                                        

JAIME POV

“Kailan ka ulit magpapakita sa kanya?” tanong ng kaibigan ko habang nasa coffee shop kami.

Nandito kami sa tapat ng condo niya. Dito raw siya tumutuloy ngayon. Gusto ko lang siyang makita—kahit sa malayo.

Humigop ako ng kape bago sumagot. “I don’t know… maybe next week.”
Tumango siya, parang naiintindihan ang sinabi ko.

Pero hindi nawala sa isip ko yung inis ko. Ilang beses kong sinubukang i-message siya—walang reply. At kahapon, mas lalo akong nainis nang makita ko kung paano niya basta na lang ibinigay yung regalo ko sa ibang babae.
Oo, naroon ako. Pinanood ko siya mula sa kotse ko.
Alam ko kung saan siya nakatira… pero hindi pa ngayon ang tamang oras para magpakita ulit.

“Then what’s happening?” tanong ng kaibigan ko.

“Ano?” sagot ko at tinaasan siya ng kilay.

“Hindi ka niya sinagot tama? Then ano na? Tinanggap ba niya yung gift mo?” pangungulit niya.

Napahigpit ang hawak ko sa tasa.
Hindi ko mapigilang mag-init ang ulo ko sa naalala ko—kung paano niya binalewala yung regalo ko.

Napatingin ako kay Fatima na may halong inis.

Natawa siya. “Grabe, ang sama ng tingin mo—halatang hindi tinanggap.”

Umiling ako.
“Hindi niya tinanggap” sagot ko nang diretso.

“Baka may girlfriend na siya” dagdag niya.

“No” mariin kong sagot. “Wala siyang girlfriend.”

Nagkibit-balikat siya. “Malay mo naman.”

“Shut up, Fatima” malamig kong sabi. “Kung meron man… hindi ko papayagan.”
Sumeryoso ang tono ko. “Tatlong taon lang kami nagkahiwalay. Hindi ko hahayaang mapunta siya sa iba. At kung meron mang babae… sisirain ko ang buhay niya.  Yes, umalis ako at iwan siya pero para din naman sa'min yun." ani ko na may pahiwatig na nagbabanta ang tono. ”
Napatingin sa akin si Fatima, bahagyang nagulat.

Umiling siya. “Hindi mo ginawa ‘yon para sa kanya… ginawa mo ‘yon para sa sarili mo, Jaime.”
Natigilan ako.
Hindi ko inaasahan ang sinabi niya.
Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya at tumingin sa labas.

Sa labas ng bintana, may mga magkasintahang masayang nag-uusap, naglalakad nang walang iniintinding problema.
Napangiti ako nang mapait.
Kasi kahit anong gawin ko…
Hindi ko na maibabalik ang dati.
At sa puntong ‘yon… hindi ko na rin sigurado kung may puwede pa bang ayusin.

My dream is to become a famous model. Pangarap ko ’yan mula noong 15 ako, dahil ang mama ko ay isang sikat na modelo sa Italy. Gusto kong sundan ang yapak niya—gusto kong maging katulad niya, o mas higit pa.
Sa kabilang banda, ang papa ko naman ay isang politiko, kaya natural na mas istrikto siya sa amin.

Lagi niyang ipinapaalala ang kahalagahan ng disiplina, pangalan ng pamilya, at kung paano dapat kumilos sa harap ng tao.

Kaya lumaki ako na may dalawang magkaibang mundo—yung sa mama ko, tungkol sa fashion, confidence, at pagiging malaya… at yung sa papa ko, tungkol sa responsibilidad, imahe, at kontrol.

Sa murang edad pa lang, alam ko na kung ano ang gusto ko. Pero hindi naging madali ang landas papunta doon. Kailangan kong patunayan na kaya ko, hindi lang dahil sa pangalan ng mama ko kundi dahil may sarili akong kakayahan.
Gusto kong balang araw, hindi lang ako kilalanin bilang anak ng sikat na modelo o anak ng politiko… kundi bilang sarili kong pangalan—isang model na pinaghirapan ang lahat.

Napailing ako at sumandal sa upuan ko, habang hawak pa rin ang tasa.
Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Fatima.

Alam kong totoo naman… pero ayokong tanggapin.
“Kung ginawa ko man yun para sa sarili ko” mahina kong sabi “hindi ibig sabihin nun na hindi ko siya mahal.”
Tumingin sa akin si Fatima pero hindi na siya nagsalita.

WHEN ACCIDENTALLY MET YOU |INCOMPLETE|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon