CHAPTER 6:

149 20 0
                                        

MACZELLE POV:

Natapos ang linggo at lunes na. Jusko! parang tinatamad akong bumangon ngayon, mas gusto kopa humilata sa kama at mag pa gulong- gulong hanggang sa mabagok nalang.

Kahit inaantok ay bumangon nalang ako at naligo.

"Sabay kana saken" Sabi ni hudas saken pagkababa ko sa hagdan.

"Wow himala anong nakain mo at bigla mo ata akong pasakayin sa motor mo?" umupo nako at simulan ng kumain.

"May mga projects kase ako at nahihirapan akong dalhin kaya naman bigla kitang naalala"

"Anong akala mo saken P.A mo? ulol dalhin mo mag isa mo!"

"Aba't--nagpapatulong lang eh"

"San kaba galing kola kagabe bat late kana naka uwi ha?" Biglang sabi ni mama na kagagaling lang sa kusina. Kinuha ni mama ang wushu stick niya at parang ipapalo niya to.

halos hindi niya malunok ang kinain niya dahil sa kaba.

"Gumawa lang ho kami ng project ma" kinakabahan na ani niya.

"May gumagawa bang project na alas 3 na ng madaling araw naka uwi?"

Napa lunok siya ng tatlong beses. Eh sino bang hindi kinakabahan e naka abang na yung stick.

"Sakit ka talaga sa ulo kola, nagmana ka nga sa papa mo jusko kang bata ka. Ang tanda-tanda mona ganyan kapa din"

"Ma naman, totoo naman po na gumagawa kami ng project"

"Ewan ko say'yo dalian niyo na kumain baka malate pa kayo"

Tumayo na kami ng matapos na kami kumain.

"San ka ba talaga galing?" naka pamewang kong tanong na naka taas pa ang kilay.

"It's none of your business"

"Wow, English yun ah" pumalakpak ako

"Talaga? Magaling na'ba ako mag English?"

''Oo kaya wag muna uulitin''

Tumalikod na siya at sumakay sa motor niya hawak-hawak niya yung project niya na diko alam kung matatawa ako . Napailing nalang ako at sumakay sa bike ko ipinuwesto ang paa ko sa may paanan. Kinuha ko muna ang cellphone ko at sinaksak ko dun ang earphones at inilagay sa tainga ko..Isinulod ko ang cellphone kosa loob ng bag na ngayon ay nasa harap kona.

Nang tuluyan na akong nakalabas sa street namin ay nag di-diretso na ako. Seryoso akong nag d-drive sa aking bike. Munit agad akong napahinto nang may tumigil na kotse sa harapan ko. Kumunot ang noo ko at nagtataka na pinagmasdan yung kotse na hanggang ngayon ay hindi parin umaalis at binubuksan yung bintana.Bweset!! Malalate na ako taena naman oh.

Ngayon pa siguro yun nag dra drama kung saan nagmamadali ako.
Sana naman kung ihinto niya yung kotse niya sa gitna ng kalsada, sana naman naisip yung gagong yun na may iba pang dumaraan. kailangan niya din dumistansya no..Dahil hindi siya hari!! Bweset!!

May kahalikan siguro yung taong yun.

Kahit inis ay muli kung pinadyak ang bike at iniliko sa kabila.

SAINT TOPTIAN'S HIGH SCHOOL

Ilang minuto lang ay narating kona ang campus namin. Agad kung pinark ang bike ko sa may gilid para hindi kita dahil panigurado, wasak na eto pag nakita nila etong bike ko.

WHEN ACCIDENTALLY MET YOU |INCOMPLETE|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon