CHAPTER 11:

116 16 0
                                        

MACZELLE POV:

MABILIS ang araw at lunes na. Kahapon ay dalawang black eye ang natamo ni damulag dahil kay mama.. Natawa nga ako eh! Ang tanda tanda na pinaluhod pa ni mama..

Hindi naman as in sobrang violet talaga..

Pagbaba ko nadatnan ko si damulag na kumakain na nakasuot pa ng sunglasses para siguro takpan yung sinapak ni mama.

"Morning.." bati ko

^____^

"Morning mo mukha mo.." Sabi niya na nakabusangot ang mukha. Kinuha ko ang upuan at umupo sa harapan niya. Kinukuha ko lahat kung anong nakahain sa lamesa. Nakalimutan ko kasing kumain kagabi, alam niyo na. May bagong MV yung idol ko. Gabi na kase yun nirelease. "Bad mood?"

"Tumahimik ka.."

"Owwwss talaga??" Todo paren ako sa pag aasar sakanya. Nakakunot na yung noo niya.. Ibinaba niya yung kutsara niya at tinanggal niya yung sunglasses niya at tumingin saken ng seryoso. pero ..

"Prrtttt hahahahahaha!!!!" Bigla akong natawa dahil sa itsura niya. Ang panget niya sobra.. Kung hindi lang siya payat mapagkakamalan ko siyang panda. "HAHAHA ang pang-- HAHAHAH yung mukha mo.. HAHAHA" wala akong masabi. Talagang inunahan ako sa pagtawa ko. Nakahawak na ako ngayon sa tiyan. Seryoso paren yung mukha niya. Binalik niya yung sunglasses sa pagsuot..Naiiyak na ako sa kakatawa.

"Tsk! Sige, wag kang tumigil ha. Pag tumigil ka. Sasapakin kita.."

"Kase naman-- HAHAHA ang panget ng mukha m-- HAHAHAH!"

"Mabulunan ka sana ng sarili mong laway! Diyan kana nga. bweset" tumayo na siya at naglalakad paalis.

O_____O

"Hintayin moko." Nagmamadali na akong kumain. Kinuha ko ang hotdog at inilamon diretso.. Puno ang bibig ko nang tumayo ako. "Shandaliii!" kahit gusto kopang umiinom ay hindi kona nagawa. Lumabas na ako ng bahay hinanap ng tuluyan si damulag.

"Bilisin mo nga!!" Inis niyang sigaw sa may unahan.Nandito yung bahay namin pero nakapark ang motor do'n sa unahan piste

"Ba't dito ka nagpark?" Tanong ko ng tuluyan na akong nakaupo. Buti nalang hindi ako nag uniform panigurado makikita nila yung ano ko yung peklat pero wala talaga akong peklat!

"Daming mong satsat humawak ka."

"Saan?"

"Sa ulo ko! sa ulo!" Tsk! Kahit kailan ang tino netong kausap.

Dahil sa sinabi niya, hinawakan ko yung bewang niya pero bigla ay tinampal niya ang kamay ko.

"Wag diyan, tsk! Do'n ka humawak sa likod mo may hawakan diyan."

"Tss, arte neto. Kahit kailan ang sweet sweet mo talaga." Umayos ako ng upo baka mahulog ako sa motor niyang kalansay na ang dating.

"Wow first time.." Nangunot ang noo ko ng sabihin niya iyon.

"A-anong first time?"

"Na sumakay sa motor ko"

"Wala kase akong choice no at isa pa wag mo nga ipagmalaki tong bulok mong motor."" Sabi ko

"Ilaglag kita diyan eh.."

BROOMMM~~

Pwee!! Pweee tangina yung usok ng tambutso saken napunta. Peste talaga.

"Magdahan dahan ka nga.." Inis kung sabi ang bilis kase magpapatakbo ng motor niyang kalansay na ang dating. "A-ano ba!!?" Hinampas ko siya sa balikat kase muntik na akong mahulog.

WHEN ACCIDENTALLY MET YOU |INCOMPLETE|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon