KOLA POV
"Damn!!" mahina kung mura ng makita ko siya kung gaano siya kabilis magpatakbo.
Nandito na kami ngayon sa side walk malayo pa ang finish line kaya may pag asa pa akong habulin siya.
Pinindut ko ang accelerator, ang GT-R ay sumugod na parang hayop na nakulong. Umabot ng 65 kph kotse ko .Tumingin ako sa kalaban pumantay ang mga sasakyan namin, .
Ngumise ako.
Drag racing. Isa etong illegal kung saan maraming mga taong gustong sumali sa ganitong transaction. Madalas eto ginagawa sa gabi lalo na kapag wala ng mashadong tao.
May mga tracking devices ang bawat sakyanan namin para malaman ng manunuod kung nasaan na kami.
Kung kanina ay nauna siya, ngayon naman ay ako na. Tuloy tuloy lang kami hanggang sa Iniliko ko ang sasakyan patungo sa bridge.
BROOMM
Napatingin ako sa gilid nang makitang pumantay ang mga sakyanan namjn. Nagulat ako ng bigla niyang binangga ang sakyanan ko.
'Shit!' mura ko sa isip ng hindi ko agad maagapan dahil nag pasuray-suray eto
Wala eto sa rules.
Sana walang gasgas ang natamo neto.
Inihinto ko muna ang sasakyan bago ko pinagpatuloy.
Diko na siya makita dahil malayo na siya sakin. Pero sa tulong nadin ng mga ilaw ng saksakyan niya ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na sundan siya.
Pinabilis ko ang pagtakbo hanggang sa nasa unahan na ako.
'Gusto kung manalo.'
Nakaramdam ako ng pagka-adrenaline habang naglalaban kami nong bata sa kalsada. Ang mga ngiti ko ay nakapaskil sa aking mukha at ang aking mga mata ay nakatutok sa kalsada. Ang mga ilaw ay umuusad ng mabilis, ang mga huni ng palibot ay umaalulong, at ang mga tao sa paligid ay nagtitilian.
Hindi ako basta-basta magpapatalo. Ako si kola at ay may pangarap na maging pinakamahusay.
Habang naglalaban kami nakita ko yung bata ay nakapagkuha ng unahan. Pero hindi ako sumuko. Pinilit ko ang aking sasakyan na umandar ng mabilis, sinusubukan na mahabol siya
Sa malayo pa lang ay nakita ko na ang finish line dahil sa tulong ng mga ilaw na nagpapalibot dito.
Pero hindi ko inaasahan na may mga pulis ang naka abang sa unahan. Mukang nagmamasid. "Ba't walang sinabi na may check point ngayon? Damn!!" mura ko at hinampas ng mahina ang manibela. Diko alam kung ipagpapatuloy ko ba o ihihinto muna.
Humigpit ang kapit ko sa manibela habang pinagmamasdan ang kaguluhan sa unahan. Umaalingawngaw ang tunog ng sirena, at ang mga ilaw ng pulis ay kumikislap na parang babala na wala nang atrasan.
“Kung umatras ako ngayon, tapos na” bulong ko sa sarili.
Huminga ako nang malalim at muling pinaandar ang sasakyan. Dahan-dahan sa una, pilit na hindi makaagaw ng pansin. Ngunit nang mapansin kong nakatuon ang atensyon ng mga pulis sa sports car na humarurot palayo, nakita ko ang pagkakataon.
“Ngayon na ‘to.”
Bigla kong inapakan ang silinyador.
Umungol ang makina at mabilis na sumibat ang sasakyan ko. Ramdam ko ang pagdiin ng katawan ko sa upuan habang tinatahak ko ang kalsada na tila ba isang mahabang guhit na lamang sa aking paningin. Sa gilid, narinig ko ang sigaw ng isa sa mga pulis, ngunit huli na ang lahat—nakalagpas na ako.
Ngunit hindi pa tapos ang lahat.
Sa rearview mirror, nakita kong may isa pang patrol car ang kumalas at tila ako naman ang pinupuntirya. “Ayos, habulan pala ang gusto nila” sabi ko, pilit na pinapakalma ang sarili kahit kumakabog ang dibdib ko.
Lumiko ako sa isang mas makipot na daan, umaasang mawawala sila sa likod ko. Kilala ko ang lugar na ito—punong-puno ng liko at madidilim na eskinita. Kung may laban ako, dito iyon.
BINABASA MO ANG
WHEN ACCIDENTALLY MET YOU |INCOMPLETE|
Novela JuvenilEveryone knows my name. I mean hindi lahat. Hindi dahil sa matalino ako, hindi dahil sa mabait ako. Kundi dahil sa ang hilig ko magmura, mahilig din ako manuod sa kpop, yung tipong mapapatingin sila dahil sa suot mo.. Ako 'yung tipo ng estudyanten...
