CHAPTER 27:

52 6 0
                                        

MACZELLE POV

Dahil linggo ngayon wala ako mashadong gagawin sa bahay may plano pala kaming mag mall nina chan , kaya lang di ako sumama sakanila kase alam kung puro pampaganda at pang sexy lang naman ang bibilhin namin don.

May pupuntahin kase akong mahalagang tao kaya sinabi kona lang sakanila na busy ako ngayon.

Pero diko akalain na makikita ko sir Buenavista kagabi. Kakahiya grabe nakita niya pa talagang puno ang plato ko. Shizz

Pero infairness ang gwapo niya, diko akalain na mas nagiging gwapo siya sa paningi--- teka? bakit ko ba siya iniisip ha.

Kainis!!

'Iling- iling '

'Dapat diko siya iisipin diba?'

'Tango-tango'

Bakit ba kase sa tuwing nakikita ko siya, nahihipotismo ang mata ko sakanya. Di kaya'y crush ko siya?

'Iling-iling'

'Hindi pwede, di dapat ako magka gusto sa isang katulad niya. Diba?'

'tango-tango'

"Nababaliw kana ba?" Nagulat ako. Sinamaan ko siya ng tingin "Sabihin mo lang kung nababaliw kana para madala kita sa mental." Dugtong pa niya.

"Shizz, kahit kailangan panira ka alam mo ba yun?" Tumayo ako at inayos ang sarili ko sa salamin.

Pumunta siya sa gilid ko naka cross arms pa at pinagtitingan ako. "Himala, hindi puro black ang suot mo ah. Naubos na'ba lahat ng mga damit mong itim ha?" Umingos ako at iniwan siya.

"Pwede ba? Wala ka ng ibang ginawa kundi sirain yung araw ko"

"Malamang, tayo lang ang nandito sa bahay at wala ka ng magagawa pa"

"Ahh talaga" lumapit ako sakanya. "eh kung susuntukin kita at sasabihin ko sayong wala ka ng magagawa pa" tinaas ko ang kamao ko at aakmang susuntukin siya.

tinabig niya ang kamay ko "alis ka nga."

Di na ako nakipagtalo pa sa hayop na yun, umalis nako sa bahay. Baka kase mapatay kopa siya ng wala sa oras.

Sumakay ako ng bus hanggang sa makarating ko ang 'BLOSSOM'

Sa tuwing linggo kase dito ako bumibili ng flowers, paborito ko kase ang mga bulaklak, isa kase yon sa nagpapagaan ng nararamdam sa tuwing may problema ka.

"Good afternoon madam, welcome po sa blossom. Alin po ang gusto niyong flowers para maasikaso po agad namin ang gusto niyo" ngumite ako sa taga bantay at umiling.

"Ahh, wag na po! Mag tingin-tingin pa kase ako kung anong bulaklak ang bagay para sa isang tao."

"Ganoon po ba? Sa boyfriend niyo po ba? Best friend?"

Mausisa naman to.

"H-hindi po hehe."

Ngumite akong peke, nahahalata niya sigurong naiilang ako kaya hinayaan niya lang akong pumili.

May nakita akong napakaganda at mabango hindi siya masakit sa mata kapag tinitignan.

Carnation flowers, iba't-ibang klasing kulay.

Mukang nababagay nga to sakanya.
kinuha ko yun at binili. Bumili rin ako ng rosas para sa bahay.

Pagkatapos kung binili ang mga yun dumiretso na agad ako sa cemetery.

Hinanap ko ang libingan ni papa. Sa tagal kung dina nakadalaw alam kong madumi at maraming mga damo na rin.
Tatlong taon na at ngayon lang ako nakadalaw sa libingan niya. Gusto ko sanang isama si mama kaya lang may importanti siyang ginagawa.

WHEN ACCIDENTALLY MET YOU |INCOMPLETE|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon