A/N: after one year, muli akong makakapag update sa story na ito, pasensya na kayo guys kung ngayon lang ha? Paano kasi nasira yung tablet ko, so kay boyfriend itong ginagamit ko ngayon, mabuti na nga lang at medyo alam ko pa yung flow nitong story, binalikan ko ding basahin muna para ayos :)
-----
*Kadence POV*
Wala syang inaksayang oras kinaumagahan, agad syang bumyahe papunta ng Nueva Ecija upang balikan si Nia,
Ang babaeng iniibig nya...
Ang babaeng totoong mahal nya,
Ilang oras din ang tinagal ng byahe bago sya nakarating, agad nyang natanaw ang nagdidilig ng halaman na si Nia mula sa.bakuran ng bahay,
Dahil narinig nito ang ugong ng sasakyan nya ay napatingin ito at ganoon nalang ang pagtalikod nito ng mapagtanto na sya ang bumaba mula sa kotse.
"Nia!"
Tinawag nya ito pero hindi man lang ito lumingon sa kanya, lumapit sya at hinawakan ang kamay nito,
"Nia please!"
"Bitawan mo ko Kadence!"
"Nia ikaw yung mahal ko, hayaan mo kong magpaliwanag!"
Hinarap sya ni Nia at punong puno ng sakit ang mababasa sa muka nito,
"Bakit Kadence? Bakit ngayon lang? Hinayaan mo pang mamatay yung puso ko sa isiping ikinasal kana sa kanya kaya hindi mo ko kaagad binalikan!"
"Hindi kami nagpakasal Nia, at hinding hindi ko sya pakakasalan dahil ikaw lang yung babaeng gusto kong pakasalan, hindi sya Nia, ikaw lang!"
Ilang saglit na natahimik si Nia pero nandoon padin yung lungkot sa muka nito,
"Umalis kana Kadence..." iyon lang at tumalikod na ito sa kanya, sinubukan nyang tawagin ito muli pero hindi na ito lumingon sa kanya,
Hindi nya alam na nakikinig pala si Era mula sa di kalayuan, lumapit ito sa kanya ng makita nitong nakaalis na si Nia.
"Bakit ngayon ko lang? Pambihira ka naman Kadence!" sermon sakanya ni Era at napatapik pa ito sa sariling noo.
Medyo naguguluhan sya, big deal ba talaga ang hindi nya pagsipot agad?
May mga inayos pa sya sa opisina kaya hindi nya kaagad nabalikan si Nia,
"Ano bang kaso doon Era? Hanggang ngayon galit na galit sakin si Nia, naiintindihan ko sya pero ayaw nyang pakinggan yung paliwanag ko"
"Eh kasi nga ngayon ka lang! At dahil don--"
Napatigil ito sa pagsasalita at tiningnan sya sa mata,
"At ano?"
"At dahil dun, nasulsulan na sya nung lintek na Keaton! Nagkausap kasi sila, malamang na kung ano ano na yung sinabi nya kay Nia, baka nga nabilog na nya yung ulo ni Sanpi!"
BINABASA MO ANG
I'm the MAN, but She's the BOSS (Kadence and Nia)
Roman d'amour"YUNG PAGIGING TOTOO, yun ang nagpapaganda sa TAO"