Chapter 5 (ITMBSTB)

135 9 1
                                    

A/g: Hi Ate Angge! maniwala kana ako to si Ly Dare! hahaha xD

-------

Kinabukasan...

"Nash, maagang papasok ngayon si ate, kaylangan ako ni Nanay sa palengke, kumain kana dyan ah, at mag ingat ka pagpasok mo, ilalapag ko nalang yung baon mo sa lamesa" sabi ni Nia sa kapatid at inilapag don ang sampung pisong barya.

"Opo ate! ingat kadin po" sagot naman ni Nash.

Lumabas na sya at nagmamadali syang pumara ng trysicle.

"Kuya Nardo, sa palengke po, nagmamadali ako kaylangan kasi ako ni Nanay don" sabi nya sa trysicle driver

"Aba, mukang mabili ngayon sa inyo ah? sabagay mag papasko na kasi" sagot nito at pinaandar na ang motor.

---

Matapos gumayak ni Nash, ay naglakad na sya papasok sa skwela.

"Oh Natnat, itatawid na kita sa kabilang kalsada para diretso ka nalang sa skwelahan" sabi ng isang trysicle driver sa lugar nila.

"Sige po Kuya Brando, salamat po" sabi ng bata at itinawid na nga sya ni Brando..

---

Kadence POV:

Nasa byahe na sya at papasok na sa opisina ng mahagip ng mata nya si Nash.

Naglalakad itong mag isa.

TSSS! BAKIT HINAHAYAAN NG ATE NYA NA MAGLAKAD MAG ISA TO?! HINDI BA NYA NAISIP NA DELIKADO?!

Inihinto nya ang sasakyan at binusinahan ito. Agad napangiti si Nash dahil nakilala nito ang kotse nya.

"Kuya Kadence!" masiglang sabi ng bata at huminto sa paglalakad.

Bumaba sya ng kotse..

"Alika, sumakay kana" sabi nya dito, ilang saglit na nag isip ang bata..

"Sabi po kasi ni ate wag akong sasakay sa kung sino man, uso daw po kasi ang nangunguha ng bata ngayon"

I'm the MAN, but She's the BOSS (Kadence and Nia)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon