Chapter 25 (ITMBSTB)

60 3 0
                                    

A: Sabi ko hindi ako mag aupdate ngayon dahil masama ang pakiramdam ko. Pero dahil malakas kayo sakin, hindi ko kayo kayang tiisin. Magbigay lang kayo ng comments masaya na ko :) haha masaya na talaga ko dun. Anyway Advance Merry Christmas ITMBSTB Buddies! I LOVE YOU ALL :*
-Dare

-------

Eradee's POV:

Maagang pumasok si Sanpi ngayon, ako eto kasama ko si Natnat, masama daw kasi ang pakiramdam nya kaya hindi na sya pumasok ngayong tanghali.

Binabantayan ko sya dito sa bahay nila.

Wala padin sila Nanay Vina, nagbabalak na nga din kami sumunod dun nila Sanpi, tutal magbabakasyon nadin naman tong si Natnat eh.

"Ate Eradee crush mo po ba si Kuya Caiden?" tanong ni Nash.

Napakunot noo ko. CRUSH? hindi no -_-

Ang hangin kaya nun. Tsaka for sure naman madaming girlfriend yun, halatang halata naman kasi na PLAYBOY yun. Palibhasa magandang lalaki nga kasi. Tsss oo ayoko magsinungaling kasi totoo naman talaga na GWAPO sya eh.

"Hindi ko sya crush. Bakit mo naman natanong bata ka? ang daldal mo talaga!" sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman sya sakin ng sagad.

Hindi pa yata naniniwala sakin yung bata na to?

"Bakit naman? POGI naman po si kuya Caiden ah? mabait pa!" sabi ni Nash.

Hangang hanga na sya kay kumag nun? Psh. Well ako HINDI.

"Yun na nga Natnat eh, pogi yun kaya madaming Girlfriend yun"

Totoo naman diba? Mahirap kaya magkagusto sa babaerong lalaki. Masasaktan ka lang kapag nagkataon kaya mas okay pang mag isa.

"Pero napopogian mo po sya?"

-___- Bakit ba ang daldal ng bata na to? Pinapasok ko nalang sana sya mukang wala naman syang sakit talaga eh. Ang daming sinasabi.

"Oo, gwapo naman talaga sya, kaya lang kasi MAHANGIN"

"Ano po yung mahangin?"

Hindi ba mauubusan ng tanong tong bata na to?

Kinuskos ko yung buhok nya.

"Matulog kana lang para makapag pahinga ka, ang dami mong tanong eh" sabi ko sa kanya.

I'm the MAN, but She's the BOSS (Kadence and Nia)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon