Keaton's POV: (LANN KEATON HADLEY, KAIYAH's BROTHER)
"Wala ka bang balak hanapin yung pamilya mo?" tanong sakin ni Jec.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga dahil sa tanong nya na yun.
"Wala naman ng dahilan para hanapin ko pa sila, masaya na ko sa buhay ko ngayon, isa pa kung uuwi man ako samin, malamang na parang wala din akong pamilya. Its been 20 years, buti kung naiisip pa nila ko, sigurado kong binaon na nila ko sa limot" sagot ko kay Jec.
Tumayo ako dahil kaylangan ko pang pumunta sa pwesto ni Nia sa palengke.
Hindi nya pinatulog yung isip ko kagabi, puro sya yung laman ng utak ko.
Alam ko sa sarili kong gusto ko na yung babae na yun.
"Saan ka pupunta?" tanong sakin ni Jec nung sakyan ko yung single.
"Kila Nia..."
"Tsss.. tinamaan kana talaga sa babae na yun"
"Hindi kasi sya malabong magustuhan diba sinabi ko na yun sayo?" sabi ko at mabilis na pinaandar yung single.
--
Pagdating ko sa pwesto ni Nia ay natanaw ko nga syang nakaupo dun, mukang may hinahanap sya.
"Nia!" tawag ko sa kanya at lumapit na ko.
"Oh Keaton? kamusta?" sabi nya at tila may hinahanap padin.
"Anong hinahanap mo?" tanong ko sa kanya..
"Yung ibang paninda, tss naiwan ko pa yata sa bahay" sagot nya at kakamot kamot sa buhok.
"Gusto mong balikan natin? may dala naman akong motor" sabi ko sa kanya.
-----
Nia's POv:
"Gusto mong balikan natin? may dala naman akong motor" sabi sakin ni Keaton.
Tsss.. kainis bakit ba kasi ngayon ko pa naiwan yun? kaylangang kaylangan kong balikan yun.
"Ano? tayo na, mukang kaylangan mo talagang balikan yun" sabi nya sakin.

BINABASA MO ANG
I'm the MAN, but She's the BOSS (Kadence and Nia)
Romance"YUNG PAGIGING TOTOO, yun ang nagpapaganda sa TAO"