Chapter 6 (ITMBSTB)

124 9 0
                                    

A/g: Hello kay PinkShaye_21 kay Yanyan0922 kay Mary Grace Cortez, and kay JORGIE VILLANUEVA! Hello sa inyo! :) Sana suportahan nyo yung story na to :) LOVELOTS <3

---

"Happy birthday to you.. Happy birthday to you.. Happy birthday happy birthday, happy birthday to you! Maligayang bati, sa iyong pagsilang! Maligayang maligaya, maligayang bati.. HAPPY BIRTHDAY BUNSO!" maagang bati ni Nia sa kapatid nyang si Nash, ngayon na ang kaarawan nito.

Kasalukuyan itong nasa higaan at kagigising lang.

Niyakap sya nito.

"Thank you ate!" sabi nito sa kanya at bumangon na.

Naabutan nila ang Nanay nila sa kusina at naghahanda ito ng agahan.

"Oh, gising na pala yung birthday boy!" masayang bati ng Nanay nya dito.

"Binata na si Bunso, may crush na yan!" pagbibiro ni Nia dito.

"Wala pa kaya ate, hehe!" medyo nahihiyang sabi nito.

"Oh kumain na muna tayo, Nia, sasama kaba anak sa palengke? dito ka nalang kaya sa bahay? walang pasok ang kapatid mo para naman may kasama sya dito, birthday na birthday e"

"Nay! Okay lang po ba kung sumama nalang ako sa pwesto?" tanong ni Nash.

"Bakit naman gusto mo pa sumama Natnat? baka mainip ka lang dun"

"Gusto ko kayo makasama ni Nanay e, sige na Nanay!" pangungulit nito.

"O sya sige bilisan mong kumain at sasama ka" napangiti naman ng malapad si Natnat dahil sa nadinig..

"Yehheeeeyy!" sabi nito at sinimulan na nitong kumain..

---

Kadence POV:

I'm the MAN, but She's the BOSS (Kadence and Nia)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon