--
Nia's POV:"Maghain kana Nia at ng makakain na sila oh tumulong kana din Eradee" sabi ng Nanay nya kaya tumayo na si Nia sa pagkakaupo nya.
Sinulyapan nya si Kadence at tahimik lang itong nakaupo sa upuan nila. Iniwas nya agad ang tingin nya ng magtama ang paningin nilang dalawa, nakasunod naman agad si Eradee sa likod nya.
"Pssst! sino nga pala yan?" pasimpleng nguso nito kay Kadence.
"Wag mo ng itanong" sabi nya dito..
"Manliligaw mo?" tanong nito at ngumiti ng nakakaloko.
"Hindi. Yang utak mo talaga! grabe nanaman mag isip! halika na at maghain na tayo!"
"Infairness gwapooooo!" sabi pa nito, napairap nalang sya sa pinsan nya, lumalantod nanaman ito.
Naglakad na sya pabalik sa sala habang dala ang pagkain.
"Kumain na daw kayo" sabi nya kay Kadence at inilapag ang pagkain sa maliit na lamesa.
"Thanks..." sabi naman nito.
"Oh iho kumain na kayo, tawagin mo nadin ang mga kasama mo sa labas" sabi ng Nanay nya.
"Ako na Nay ang tatawag" sabi nya at lumabas na.
Nakita nyang nakikipagtawanan at apiran pa ang dalawang kasama ni Kadence sa mga taga dito sa kanila.
MGA LASING NA BA TO?! tsk tsk..
Napailing sya at lumapit sa mga ito.
"Hoy dalawang kulokoy! kumain na daw kayo sa loob!" sigaw nya sa mga ito.
"Pagkain?" tanong ni Caiden.
"Kakasabi ko lang diba?" pagtataray nya dito.
"Yessss!" sigaw ni Caiden at nag mamadaling tumakbo sa loob ng bahay nila.
"H..hayy M-mishh maga-- maganda!" napangiwi sya ng makita si Bry na malalaglag na sa upuan. Lasing na ito at nagsasalita. Pakaway kaway pa ito pero lempyot naman na ang kamay.
"Kanina pa ba lasing yan?" tanong nya sa mga sunog baga sa lugar nila.
"Ngayon ngayon lang My loves, wala naman pala yan e, ang bilis bumagsak! sabat ni Brando.
BINABASA MO ANG
I'm the MAN, but She's the BOSS (Kadence and Nia)
Romantik"YUNG PAGIGING TOTOO, yun ang nagpapaganda sa TAO"