Keaton's POV:
Maganda pala sya, at mabait pa.
HULAAN NYO KUNG SINONG INIISIP KO NGAYON?
si NIA yan.
Wala lang, naisip ko lang na ang ganda ganda nya pala habang tinititigan sya, yung tipong hindi nakakasawang pagmasdan ang muka nya, kaya lang kahapon may dumating na kontrabida e.
Halata din naman na may gusto sya kay Nia, at syempre hindi naman ako papatalo kahit pa mukang mayaman sya.
Seryoso, crush ko na si Nia, at hindi malabong magustuhan ko sya, iba sya sa lahat ng babaeng nakilala ko, nakakatuwa sya.
"Ano ba iniisip natin dyan dude?" tanong ng kaybigan ko.
Si Jec, buhat nung lumayas ako samin, 7years old palang yata ako nun, nanay na ni Jec ang nag alaga sakin, kaya parang totoong magkapatid na kami talaga nito.
Gusto nyong malaman ang kwento ng buhay ko? Well saka nalang. Ayoko pag usapan e.
"Hindi ano, SINO" pagtatama ko sa kanya habang nakangiti.
Ngumiti naman din sya ng nakakaloko.
"Pumapag ibig ka na? haha" nang aasar na sya nyan.
"Hindi pa naman, pero baka papunta nadin don" sagot ko at inayos ang mga gulong.
Nagvuvulcanize kami.
Minsan naman sumasideline sa kung saan saan.
Kung ano anong raket ang pinapasok namin, pero syempre hindi yung mga ilegal.
"Ipakilala mo naman sakin yan dude" sabi nya sakin.
Naupo muna ko bago sumagot..
"Natatandaan mo yung babaeng nakita natin na inaapakan yung paninda nya? yung napaaway pa nga ako dun sa sinasabi mong Mr.Saunders?" tanong ko.
Nag isip sya saglit, pagkatapos ay tumango.
"Oo naman, yun ba yung type mo?" tanong nya kaya tumango naman ako..
Napatango din sya.
"Sabagay, maganda din naman yun, pero bakit yun pa? madami namang iba dyan yung tipong chix na chix talaga ang dating!" sagot nya sakin..
Napailing ako.
"Kaya ko nga sya type kasi kakaiba sya e" sabi ko at napangiti.
Bumuntong hininga sya .
"Okay ikaw bahala, buhay mo yan e" sabi nya at pumasok na sa loob ng bahay.
BINABASA MO ANG
I'm the MAN, but She's the BOSS (Kadence and Nia)
Romance"YUNG PAGIGING TOTOO, yun ang nagpapaganda sa TAO"