A/S: Okay pinaabot ko lang sya ng hanggang 20 chapters ngayong araw :) Sipag ko hahahaha! <3
-Dare--------
Kinabukasan...
Maagang naghahalungkat si Caiden sa ref nila Kadence ng makakain.
"Ano nanaman yang pinapakialaman mo dyan?" tanong ni Bry dito.
"Nagugutom na ko" sagot ni Caiden.
"Kelan kaba hindi nagutom? daig mo pa ang may buwaya sa tyan eh!" sabi ni Bry na iiling iling at kumuha ng tubig.
Maya maya ay lumabas si Kadence, may nakapatong na twalya sa balikat nito.
Hindi sila pinansin nito at nilagpasan lang sila sa kusina
"Goodmorning po Tito!" nakangiting bati ni Caiden ng lumabas ang Daddy ni Kadence.
"Goodmorning Caiden, dito pala kayo natulog nila Bry kagabi?" tanong ng Daddy ni Kadence
"Opo tito at napag abutan na ho kasi kami dito" sagot naman ni Caiden.
Tumango lang yung Daddy ni Kadence at nagpahanda ito ng breakfast sa katulong.
"Penge nga!" agaw ni Caiden sa sandwich na kinakain ni Bry
"Tsss.. napaka sugapa mo talaga!" pikon na sabi ni Bry.
"Gwapo naman.. haha! Diba Manang gwapo ko?" tanong pa ni Caiden sa katulong nila Kadence.
Natahimik silang dalawa nang lumabas si Kadence, galing ito sa banyo at naligo.
"What?" naiiritang tanong nito sa kanila ng tingnan nila ito pareho
Sabay naman silang napailing dito
"Badmood no?" si Caiden
"Nagtaka kapa e halos araw araw naman, dapat kasi palagi natin kasama si Nia eh" sabi naman ni Bry
Naupo na sila nang makapaghanda ang katulong. Di nagtagal ay bumaba nadin si Kadence at nakabihis na ito.
Wala silang work ngayong araw kaya free day sila.
"Kain na!" sigaw ni Caiden kay Kadence, inapakan naman ni Bry ang paa ni Caiden dahil sa ginawa nito
"Ang ingay mo! lalo pang mababadmood yan sayo eh!" singhal ni Bry
BINABASA MO ANG
I'm the MAN, but She's the BOSS (Kadence and Nia)
Romantik"YUNG PAGIGING TOTOO, yun ang nagpapaganda sa TAO"