Nia's POV:"Oo maganda nga sya..." tiningnan lang nya ang nagsalitang si Kadence.
ANO AKALA NYA? MAUUTO NYA KO? TSSS NAGKAKAMALI SYA!
"Halika na Nash sa loob!" sabi nya at pilit na hinila ang kapatid.
Pumasok na sila sa loob ng bahay, si Kadence ay nakita nyang sumakay ng sasakyan at pinaandar na ito.
Pagpasok nila sa loob ng bahay ay agad nyang kinausap ang kapatid.
"Nash anong sabi sayo ng ate? diba sabi ko sayo wag kang nakikipag usap sa hindi mo kilala?" sabi nya dito.
"Pero ate mabait naman sya eh"
MABAIT?! TSK MALADEMONYO NGA ANG UGALI NON, HAYYY KUNG ALAM NYA LANG!
"Kahit na Nash, hindi mo sya lubos na kilala mamaya bigla ka nalang dukutin non, sumakay kapa sa kotse nya, alam mo bang uso ang mga nangunguha ng bata ngayon, tapos ibebenta?" sabi nya dito, yumuko ang kapatid nya
"Pero ate, ramdam ko naman na hindi sya masamang tao e" napabuntong hininga nalang sya sa sinabi ng kapatid nya. Ang hirap makipagpilitam dito. Tinapik nya ito.
"Magbihis kana nang pambahay mo" sabi nya, tumango naman ito at mabilis na nagtungo sa kwarto.
----
"Hindi padin ba dumadating si Kadence?" tanong nang Daddy ni Kadence sa secretary nya
"Hindi pa po sir, eh"
"Anong oras na ba?" tanong nito.
"6pm na po sir" sagot ng sekretarya. Tumango naman ang Daddy ni Kadence.
Kanina pa nito hinahanap si Kadence dahil may importante itong ipapagawa sa anak. Isa pa ay yung pakikipag meeting nito sa mga kliyente. Hindi nya kasi maintindihan kung bakit kinancel nang anak nya yun lahat, ganun ba kaimportante ang pinuntahan nito? Pero bakit di nya alam?
"I'll go ahead Layne" sabi nito at tumalikod na.
"Okay po sir. Take care" sabi nang sekretarya dito.
--
**BAR**"Ano Kadence? bakit wala ka yata kanina sa opisina? hindi kita nakita ah?" tanong ng kaybigan nyang si Caiden.
BINABASA MO ANG
I'm the MAN, but She's the BOSS (Kadence and Nia)
Romance"YUNG PAGIGING TOTOO, yun ang nagpapaganda sa TAO"