A:N: Hello readers! una sa lahat gusto ko lang sabihin sa inyo na hindi ako ganun kabilis gumawa ng chapters. Pero sisikapin ko po na mag update every week! Okay ba sa inyo yun? ^^ Anyway hindi ako ganun kagaling na writer dito sa wattpad. Pagpasensyahan nyo nalang po kung may typo and grammatical error ako :) I'm only 17 years old palang po hehe. Sana suportahan nyo yung story na to! Yun lamang po. Salamat! ^_^
---
"Ano ba Nash! malelate na tayo oh? madami pa kong aayusin sa pwesto, bilisan mo naman dyan, ihahatid na kita sa school mo" sabi ni Nia sa kapatid nyang si Nash, na kasalukuyang nagbibihis nang uniporme sa skwela.
"Nandyan na po ate! saglit nalang to" sigaw ng bata.
"Oh sige bilisan mo, hihintayin na lang kita dito sa may pintuan"
"Opo ate" sagot nito.
Sya si Nia Ratatat. Ano natatawa kayo sa apelido nya no? Pero wala e yan talaga ang apelido nya. Wag nyong tawanan ibang klase yan magalit bahala kayo.
Nagtitinda sya sa palengke,may grocery store sila. May pwesto sila dun at tumutulong sya sa nanay nya. Balo na ang nanay nya kaya hindi nadin sya nakapagkolehiyo dahil wala naman syang pampaaral. Isa pa gusto nya din na tulungan muna ang nanay nya dahil may edad na ito.
Matalino sya, nanghihinayang nga ang mga kaklase nya dati nung highschool at hindi sya nakapag aral. Pero ganun talaga ang buhay e? siguro hindi pa nakapanahon para sa kanya.
Nang matapos magbihis ang kapatid nya ay dali dali silang naglakad. Hindi na sila nagtrysicle para makapagtipid, isa pa malapit lang naman ang palengke sa kanila pati ang pinapasukan ng kapatid nya.
"Ate alam mo ba ang dami kong star sa notebook ko" masayang sabi ng kapatid nya habang naglalakad sila.
"Ganun ba? eh di mabuti naman hayaan mo kapag nagkapera si ate, dadagdagan ko ang baon mo" sabi nya kaya ngumiti ang kapatid nya.

BINABASA MO ANG
I'm the MAN, but She's the BOSS (Kadence and Nia)
Romance"YUNG PAGIGING TOTOO, yun ang nagpapaganda sa TAO"