Chapter 3 (ITMBSTB)

136 8 0
                                    

---

Kadence POV:

Sa lahat ng taong pinakitaan ko nang masamang ugali, sya lang yung nag iisang nakakuha ng konsensya ko.

Nakakahiya man aminin pero talagang natahimik ako.

AT OO NAKOKONSENSYA KO, after all what she said yesterday before she left me, I felt guilty.

Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman to gayong sanay naman ako mang apak nang tao.

Pero kung ano man ang dahilan, aayusin ko nalang para walang gumulo sa isip ko. Isa pa pera lang naman yun, kayang kaya ko syang bayaran, pinili ko lang talaga ang maliitin sya, hindi ko naman inakala na makakahanap pala ko ng katapat ko. Tsss.

Sakay nang kotse nya ay nagmamadali nyang binagtas yung lugar na una nya itong nakita. Magtatanong tanong nalang sya, dahil malamang naman na malapit lang ito don, kasi naglalakad lang ito ng makita nya.

Maya maya pa ay tumunog ang cellphone nya.

"Hello?"

"Sir pinapatawag po kayo ng Daddy nyo..."

"Tell him that I have an important appointment now" pagsisinungaling nya dito. Sekretarya nya yung nasa kabilang linya

"Okay sir" sabi nito kaya binaba na nya ang cellphone nya.

Ilang minuto pa ay nakarating na sya sa lugar na una nyang pinagkitaan dito.

May nakita syang babae at nagtanong sya dito.

"Miss.. kilala nyo ba si?"

Natigilan sya.

UGHHHH! ANO NGA BANG PANGALAN NG BABAE NA YUN? PAANO KO MAGTATANONG SA MGA TAO DITO  IF I DONT EVEN KNOW WHAT IS HER NAME?! Tsk!

"Ano po yun sir?" tanong nang babae na tinawag ko.

"Ughh... nevermind" sabi ko nalang. Napasandal ako sa kotse ko. Shit! pano ko ba makikita yon?!

Pinaandar na nya ulit ang kotse nya, may bata syang nakita na pauwi, naglalakad ito.

Lalagpasan na sana nya yung bata kaya lang may napansin sya.

BAKIT PARANG KAHAWIG NG BATANG TO YUNG BABAENG YUN?

Iniatras nya pabalik yung kotse nya at inihinto ito malapit sa bata.

"Pssst..." tawag nya sa bata, lumingon naman ito agad

"Ako po?" tanong nito.

"Yeah, come here" sabi nya, lumapit naman yung bata na may halong pagtataka sa muka

"Can I ask you something?" tanong nya, tumango naman ito.

"Taga dito ka ba?"

"Opo..." sagot nung bata.

UGHHH! PAANO KO BA SISIMULAN ANG TANONG?

"Anong pangalan mo?" tsss! anong tanong ba yung tinanong ko? stupid!

I'm the MAN, but She's the BOSS (Kadence and Nia)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon