Chapter 30 (ITMBSTB)

41 1 0
                                    

Caiden's POV:

LAMBANOG?! Anak ng putek! hindi ako umiinom nito -_-

Pambihira naman yung Lolo ni Nia oh.

Ang hirap pa naman tanggihan. Gabi na, tapos bukas luluwas pa kami ng Maynila dahil sa problema ni Kadz.

"Hindi ba kayo umiinom nito? subukan nyo" nakangiting sabi ni Lolo Inggo, nandito kaming lahat ngayon sa terrace ng bahay.

Hindi ko akalain na mahilig din pala sa inom tong lolo ni Nia.

Kakagaling lang sa sakit eh.

Hindi din naman nila mapigil. Eto nalang yata yung kaligayahan ng matanda eh.

Magkakaharap kami nila Bry, Gun at maging si Kadence.

Inabot sakin ni Lolo Inggo yung baso at wala nadin akong nagawa kundi ang inumin yon.

Ang tapang talaga shet!

Napangiwi ako dahil dun.

Nakita ko naman si Kadence na bahagyang natatawa sakin habang napapailing.

Bakit sila nila Bry parang hindi man lang nagrereklamo? Sanay ba silang uminom ng ganito? -_-

"Lolo gabi na yan umiinom pa kayo" sabi ni Nia sa lolo nya.

"Gusto ko lang makaharap ang mga kaybigan mo apo, pagbigyan mo ng ang lolo" sabi ni Lolo Inggo, napakamot nalang sa buhok si Nia.

"S-sige... matutulog na ko" sabi nya samin bago tumalikod.

"Paano mo nakilala ang apo ko?" tanong ni lolo Inggo kay Kadence.

Napangisi ako dahil dun, mukang mapapalaban sa pagkkwento tong si Kadz!

Napataas ang isang kilay ni Kadence sa tanong ni Lolo Inggo, mukang naguluhan pa yata.

"Ahh... mahabang kwento ho Lolo" sabat naman ni Bry.

Panira talaga ng moment tong gago na to, hintay na hintay na ko sa sasabihin ni Kadence eh.

Yung mata ni Lolo halatang pabagsak na, mukang lasing na nga ito.

Nakakadalawang tagay palang ako pero shit lang hilong hilo na ko!

"Ano kaya pa?" tanong sakin ng gagong si Bry.

"Hahaha, matulog ka na nga!" sabi naman ni Gun sakin.

Nakailang tagay pa bago ako natumba sa upuan. Wala na kong alam kung anong nangyari.Ang lakas ng tama ng alak na yun.

---

KINABUKASAN

Nia's POV:

Nagpaalam sakin si Kadence na may importante daw syang babalikan sa Manila.

Hindi ko alam kung ano yun, nagtataka din ako kung bakit biglaan.

Yung tatlong kasama naman nya bagsak pa sa sahig.

I'm the MAN, but She's the BOSS (Kadence and Nia)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon