Chapter 29 (ITMBSTB)

42 2 0
                                    

A: Medyo natagalan ang hindi pag update, na blangko e :3 Sana din hindi masira tong ginagamit ko para matapos ko tong ITMBSTB :(

----

Bry's POV:

Magtanim ay di biro, maghapong nakayuko!

Hahahaha! laptrip talaga si Caiden, pinagtatanim sya ni Eradee, hindi sya makatanggi. Mukang under sya pagdating sa babae na yun. Pfffft... Iba pala talaga ang mga Ratatat!

"Ang aga aga naman kasi nitong ginagawa natin!" sabi ni Caiden kay Eradee, nakapangginaw pa si Caiden dahil malamig dito. Magpapasko na kasi.

"Nagrereklamo ka?" tanong ni Eradee, nanonood lang kami ni Gun sa kanila.

"Sabi ko nga magtatanim na ko eh, wala naman ako alam dito. Tsss" reklamo ni Caiden habang pailing iling.

"Gusto mo ikaw yung itanim ko dyan hah?!" pananakot ni Eradee.

"Nagtatanim na nga ako o!" sabi ni Caiden at nagsimula na ngang hawakan ang lupa.

Nilingon nya pa kami ni Gun, nginisihan lang namin sya.

"Gwapo padin naman ako" sabi nya samin.

"Hahaha! push mo yan Caiden!" sabi ni Gun.

"Hahaha! bagay pala sayo magtanim eh, akalain mo yun!" pang aasar ko naman.

"Gago ka Bry!" singhal nya sakin.

Agad naman syang pinagalitan ni Eradee.

Pfffftt... kawawang Caiden.

--

Caiden's POV:

Mangga!

Yan yung tinatanim namin.

Wala naman akong alam sa ganito, pambihira talaga tong si my labs.

Sayang nanaman ang kagwapuhan ko dahil mapuputikan lang.

Ang dami dami naman na sanang puno ng mangga dito, bakit kaya nagtatanim pa? tsss -_-

Baka mamaya may mga maligno pa dito, mainlove pa sakin.

Mahirap kaya maging gwapo, kung alam nyo lang. Haayyyy...

"Tatanga ka lang ba talaga? kalalaking tao ka arte arte! itatanim lang eh!" sermon sakin ni my labs habang busy sya sa pagtatanim.

I'm the MAN, but She's the BOSS (Kadence and Nia)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon