A/N: Kung gusto nyong makita yung mga fictional character nila visit nyo lang yung wall ko. O binigay ko na yung email ad ko sa inyo wah? :)
Anyway hindi pa tayo HAPPY ENDING dahil MEDYO mahaba haba pa ang lalakbayin ng kwentong ito :) Kaya sana wag kayong bumitaw sa pagbabasa. Mamatz!
-Dare**************
Lann Keaton's POV:
Nasa bahay lang ako ng may madinig akong ingay.
Mga pulis yung natatanaw ko mula sa labas kaya lumabas nadin ako para malaman kung anong hinahanap nila, dala nadin ng kuryosidad
"Kilala nyo ba si Keaton Hadley?" tanong ng isang pulis sa tindera dito samin. Yung may sari sari store. Lumabas ako at pinuntahan ko sila.
"Bakit nyo ho ako hinahanap?" tanong ko sa pulis, sumulpot ako mula sa gilid nila.
Bigla nalang may huminto na isang Limousine at bumaba don ang isang matandang lalaki at isang babae na hindi kalayuan sa edad ko.
"D-Dad?" nauutal na sabi ko pagkakita ko sa kanya.
Mabilis syang pumunta sa pwesto ko at niyakap ako.
"Kuya is that you? O my God!" sabi ni Kaiyah at niyakap ako.
Para kong tinulos sa kinatatayuan ko.
Hindi ko inasahan na magkikita pa kami pagkalipas ng maraming taon.
Biglang gumaan yung pakiramdam ko nang yakapin ako ni Daddy.
Parang may puwang sa pagkatao ko na biglang napunan.
"Ang tagal ka namin hinanap!" sabi ng Daddy ko, ngayon ko lang nakitang umiyak sya.
Nanggigilid yung luha sa mga mata nya.
Hinanap nila ko?
"Hindi kami nawalan ng pag asa na makikita ka ulit namin, kaya hindi ako tumigil,sasama kana samin, iuuwi na kita Keaton, matutuwa ang mommy mo!" sabi ni Daddy
Tiningnan ko si Kaiyah.
"Sana Kuya napatawad mo na si Dad, pinagsisisihan na nya ang lahat ng nangyari, at maniwala ka nagbago na sya" sabi sakin ni Kaiyah.
BINABASA MO ANG
I'm the MAN, but She's the BOSS (Kadence and Nia)
Romance"YUNG PAGIGING TOTOO, yun ang nagpapaganda sa TAO"