Chapter 21 (ITMBSTB)

88 5 0
                                    

Eradee's POV:

Tagal naman yata ni Sanpi? ako na yung naghatid kay Nash sa skwela baka kasi malate pa kapag hinintay si Sanpi eh.

Oh eto na pala sya eh.

Nakita kong bumaba si Sanpi sa motor.

Teka bakit parang umiyak sya?

Yung mata nya namumugto.

"Sanpi!" tawag ko sa kanya, lumingon naman sya.

"Si Natnat?" tanong nya sakin, parang may kakaiba talaga sa kanya eh.

"Hinatid ko na, ang tagal mo eh" sabi ko, tumango sya at pumasok sa loob ng bahay nila.

Ano bang nangyayari dun?

Sinundan ko sya at pumasok ako sa loob ng bahay nila.

"Sanpi anong problema?" tanong ko sa kanya, nakaupo lang sya at nakahilamos ang kamay sa muka nya.

"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

Tumango naman sya pero nung pag angat nya ng muka nya, hilam sya sa luha.

"Okay ka lang ba talaga? ano bang nangyari?" napapano ba tong si Sanpi?

Kanina namang nagpaalam syang umalis okay sya eh. Bat ngayon umiiyak to? matapang na babae to eh, hindi yan iiyak kung hindi yan nasasaktan ng sobra

"Okay lang ako"

"Panong okay? tingnan mo nga yang itchura mo!" sabi ko sa kanya at tumayo habang nakapamewang.

"Saan kaba nagpunta talaga? bakit bigla ka nalang ganyan?!"

"Si Caiden, pinapunta nya ko kila--"

"Si KUMAG BA?! ABAT GAGO NA YUN AH! TEKA! TEKA!" sabi ko at mabilis na kinuha ang cellphone ko.

"Huminahon ka, pinapunta nya lang ako kila Kadence"

Napahinto ako sa pagdial ng number ni Kumag.

"Oh anong meron kila Pogi?"

"Nag away kasi sila ni Keaton kahapon, yung lalaking kasama ko dito nung may binalikan ako, gusto ni Caiden na mag usap kami ni Kadence dahil mainit nanaman daw lagi ang ulo, sabi pa nya sa text na nagwala daw kahapon si Kadence at ayun basag daw ang kamao. Gusto ko din naman syang kausapin kung bakit bigla nalang syang gumaganun kahapon, gusto kong linawin sa kanya naguguluhan kasi ako sa kinikilos nya eh, kaya pinuntahan ko si Kadence sa sinabing location ni Caiden kaya lang kasi--"

I'm the MAN, but She's the BOSS (Kadence and Nia)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon