*****WELCOME TO NUEVA ECIJA!!!*****
------
Eradee's POV:
Pagdating namin ay agad kaming tumuloy kila Lolo Inggo, magkakasama kaming lahat.
Nang makita kami ni Nanay Vina ay nagulat pa sya dahil madami kami.
Hindi ko talaga Lolo si Lolo Inggo dahil tatay ito ni Nanay Vina, tatay ko at tatay ni Nia ang magkapatid kaya magpinsan kami, pero kahit ganon parang lolo ko nadin talaga si Lolo Inggo dahil madalas na kong mapunta dito noon.
Nakita kong nagmano si Nia sa nanay nya, at tiningnan nito si Kadence.
Nagmano din si Kadence kay Nanay Vina.
Nagmano nadin ako, nagulat pa ko ng magmano din si Kumag.
At mas lalo akong nagulat kasi pati si Gun at Bry nakigaya nadin.
Pffft...
"Nay, si Kadence nga po pala... Boyfriend ko po" sabi ni Nia.
Wala namang mabasang reaksyon sa muka ni Nanay Vina, hindi nagtagal ay ngumiti nadin naman ito.
Si Natnat ay halatang nagulat, ngayon palang kasi ito nalinawan.
"Halina muna kayo sa loob at makakain na kayo" sabi ni Nanay Vina.
Luma na ang bahay dahil kay Lolo Inggo pa ito. May taas ang bahay, gawa din ito sa pawid at kawayan. May terasa na masarap pahingahan sa baba. Parang ganun sa bahay ko.
Ito yung bahay na masasabi mong simple at hindi marangya pero ang sarap tirhan.
Sariwa ang hangin dahil nadin sa mga pananim na nakapaligid at mga bukirin.
Tiningnan ko si Kumag na naiiwan na dahil abot ang linga sa pligid.
TSSS... NAIINOSENTIHAN NANAMAN SYA.
"Kamusta ho kayo Lolo?" tanong ni Nia ng makita si Lolo Inggo sa higaan nito sa baba.
Maluwang ang bahay ni Lolo, hindi lang talaga ganun kamamahalin ang mga gamit dito.
"Nia, Nia ikaw na ba yan?" nakangiting tanong ni Lolo kay Nia.
"Opo Lo, ako na nga po ito" sagot ni Nia bago nagmano kay Lolo.
Ganun nadin ang ginawa naming lahat, nagmano nadin kami.
"Bat ba nakikimano kadin?" siko ko kay kumag.
"Lolo mo yan diba?"
"Eh ano naman ngayon?"
"Magiging Lolo ko nadin yan" sagot ni Kumag bago bahagyang ngumiti.
Hindi ko alam kung seryoso ba lagi tong si Kumag sa mga sinasabi nya. Puro kasi kautuan eh.
"Sino naman itong magandang lalaki na ito?" turo ni Lolo Inggo kay Kadence.
BINABASA MO ANG
I'm the MAN, but She's the BOSS (Kadence and Nia)
Romance"YUNG PAGIGING TOTOO, yun ang nagpapaganda sa TAO"