A: Gusto kong magbasa ng feedbacks nyo, so kung pupwede sana magbigay kayo, please? ^/\^ mahabag kayo sakin. Charr! XD Pero seryoso gusto ko talaga kaya salamat sa mga magbibigay! :)
--Dare***
Lann Keaton's POV:Nakita ko kaagad si Nia sa pwesto nila pagdating ko. Napangiti ako ng masilayan ko ang muka nya.
Ganito na ba talaga kalakas ang epekto nya sakin?
Tinawag ko si sya pero napansin ko na parang may mali sa kanya.
Namumula yung muka nya tapos parang hindi sya okay.
Nagulat pa ko dahil bigla nalang syang bumagsak.
Dali dali akong tumakbo sa pwesto nya at pinuntahan ko kaagad sya.
"Nia!" tawag ko at niliglig ko sya.
Nasalat ko agad na mainit sya.
Nilalagnat sya!
Mabilis ko syang sinakay sa loob ng kotse ko at nagpasya kong iuwi sya sa kanila.
Bat ba pumasok pa yung babaeng to? NILALAGNAT NA PALA SYA.
ANONG KWENTA NG BF NYA? BAKIT WALA SYA SA PANAHONG KAYLANGAN SYA NI NIA?! TSSS =_=
Pagdating ko sa kanila ay nakita ko agad yung pinsan nyang babae, yung kapatid nya at yung lalaking nakita ko din noon na kasama nito. Naglalaro ang mga ito sa court habang nanonood lang naman yung pinsan ni Nia na babae. Nagtatawanan pa nga ang mga ito.
Hininto ko yung kotse at lahat sila napatingin.
Gulat agad ang rumehistro sa muka nila ng makitang buhat buhat ko si Nia.
Wala syang malay.
"Anong nangyari?!" tanong ni Eradee na halatang nabigla.
"Ate!" sigaw naman ng batang kapatid ni Nia.
"Naabutan ko sya sa pwesto nila, bigla syang natumba, sinalat ko sya at inaapoy sya ng lagnat" sabi ko at naglakad.
"Ipasok mo na sya sa loob alika sumunod ka sakin" sabi ni Eradee.
****
Caiden's POV:Totoo ba yung nakikita ko? si Keaton ba to?!
NAKAKOTSE?
ANG GANDA MANAMIT.
AT LALONG NAGKAITCHURA.
PERO SYEMPRE MAS GWAPO PADIN AKO!
Naninibago lang ako kasi hindi sya ganyan nung unang kita ko sa kanya. Hindi ko alam na mayaman pala sya.
Sumunod nalang ako kila My labs sa loob, nagbabasketball kami ni Natnat kanina kaso eto nga mukang may hindi magandang nangyari kay Nia.
Ang sarap pa naman patawanin ni my labs eh. Gandang ganda ko sa kanya kapag tumatawa sya. Kahit nga hindi tumatawa nagagandahan padin ako eh.
BINABASA MO ANG
I'm the MAN, but She's the BOSS (Kadence and Nia)
Romance"YUNG PAGIGING TOTOO, yun ang nagpapaganda sa TAO"