Eradee's POV:
BAKIT BA NANDITO YUNG MOKONG NA TO?!
"Nandito ko kasi namimiss na kita!" sagot ni Caiden kay Eradee.
Tiningnan nya ang pinsan nya na si Nia, at halatang natatawa ito.
"Sanpi mauna na nga muna ko" sabi nito sa kanya.
"Neh bat iiwan mo ko dito?" sabi nya kay Nia.
Tiningnan ni Nia si Caiden pagkatapos ay kumindat, may kahalo pang ngiti yun.
AYT! LAKAS NANAMAN NG BAHOG NITONG SI SANPI! IBA TALAGA TO PAG TINOTOPAK E.
"Thanks Nia, ako ng bahala sa pinsan mong Maganda!" sabi ni Caiden dito.
Lumabas na si Nia at nadinig pa nya ang pagtawag nito sa kapatid nitong si Nash.
"Ano ba talagang ginagawa mo dito? katext lang kita kanina ah?" tanong nya kay Caiden.
"Masama ba? ayaw mo ba kong makita?" sabi nito at naupo sa gilid nya.
TSSS! NA AAKWARDAN AKO!
"Hindi ako nakikipagbiruan" sabi nya dito.
"Psh. eto naman lagi nalang masungit sakin" reklamo nito sa kanya.
ACTUALLY FEEL KO NAMAN NA HINDI TALAGA MASAMANG TAO TONG SI CAIDEN, wala lang, EWAN KO KUNG BAKIT PARANG GUSTO KO SYANG SINUSUNGITAN.
"So anong gagawin natin dito, tatanga?" tanong nya kay Caiden.
"Gusto mo date tayo?" sabi nito sabay kindat.
"Napaka mo!"
"Anong napaka?"
"Napaka bwisit!
"Huh? anong bwisit nanaman? niyayaya lang naman kita magdate ah? may boyfriend ka na ba?" tanong nito.
Tiningnan nya ito at seryoso lang itong nakatingin sa kanya, naghihintay ng sasabihin nya
"Madami, bakit ba?" sabi naman nya.
Bigla itong nag iwas ng tingin, nadinig pa nya ang pag buntong hininga nito.
"So madami pala ako karibal?" tanong nito sa kanya, at ngumiti, pero yung ngiti nito parang kakaiba at pilit.
"Karibal ka dyan! ewan ko sayo!" sabi nya at tumayo na.
"Oh san ka pupunta? usap muna tayo!" sabi nito.
BINABASA MO ANG
I'm the MAN, but She's the BOSS (Kadence and Nia)
Romance"YUNG PAGIGING TOTOO, yun ang nagpapaganda sa TAO"