*Bry's POV*
"Tol baba na" untag sakin ni Caiden, nasa tapat na kami ng bahay nila Kadence, kakausapin daw kasi ni Kadence 'tong si Caiden ngayong gabi eh.
Binuksan ko yung pintuan ng kotse sa tabi ng driver seat at bumaba na doon
Ano kaya yung sasabihin ni Kadz kay Caiden? At etong si Caiden naman talagang sinama pa kami ni Gun. Tsk tsk.
"Tara na"
Sumunod ako kay Gun sa paglalakad nya, sinalubong kami ng mga katulong pagkapasok namin sa Mansion nila Kadz at nagbow sila ng ulo nila.
Madaming katulong sila Kadence kaya aakalain mong PRINSIPE ang pinagsisilbihan dito samantalang si Kadence lang naman ang nakatira at ang Daddy nya.
Ganoon sila kayaman..
"Yo!"
Agad na naupo si Caiden sa malaking sofa, ganoon din naman ako dahil nakaupo na si Kadence doon at halatang kanina pa naghihintay sa amin nila Caiden.
"Ano bang pag uusapan natin Bro?" tanong ni Caiden kay Kadence, nakatahimik lang ako at binasa yung magazine na nakalapag sa center table.Makikinig lang ako sa pag uusapan nila, alam nyo na medyo may phobia ako kay Kadz. :3
"Paano manligaw?" seryosong tanong ni Kadence kay Caiden, agad akong nag angat ng tingin pagkarinig ko sa tanong ni Kadence.
Seryoso ba sya?
Kitang kita ko din ang maang na tingin ni Caiden kay Kadence, kung nagtataka ko mas nagtataka tong si Caiden sigurado.
"Ano kamo?" ulit ni Caiden, kumunot yung noo ni Kadence at napabuntong hininga,
"Bingi ka ba? Tinatanong ko kung paano manligaw"
Biglang napatawa si Caiden ng nakakaloko dahil don, agad naman syang sinamaan ng tingin ni Kadence kaya tumahimik din sya kaagad.
"Para kay Nia ba yan?"
"Shut up, just answer me!"
"O eto na eto na, masyado kang highblood! Haranahin mo Bro" suhestiyon ni Caiden.
"What?" salubong ang kilay ni Kadence sa sinabi ni Caiden.
Pffft. Gago naman kasi tong si Caiden, harana daw eh hindi naman kumakanta tong si Kadence, isa pa ang baduy! Uso pa ba yung hara-harana ngayon? Kahit kailan talaga tong si Caiden palpak!
"Sabi ko haranahin mo, romantic kaya yun para sa mga babae" nangingiti na sabi ni Caiden.
"Tss. Bro dalin mo nalang sa isang mamahalin at classy restaurant" sabat naman ni Gun.
"Hayst, mas gusto ng mga babae yung romantic Bro!" - CAIDEN
"Bakit hindi ba romantic kapag sa mamahaling restaurant? Ganun din kaya yun, mas maganda pa ang baduy nung sinasabi mo eh!" - GUN
"Anong Baduy? Kadence sundin mo yung sinasabi ko dahil mas gusto ng mga babae yun" - CAIDEN
"Mas gusto ng mga babae yung sinasabi ko Kadz" - GUN
Halatang naiinis na si Kadence dahil sa pagtatalo ng dalawa, paano nga ang gulo gulo nung dalawang gunggong, naguguluhan na tuloy si Kadz ngayon.
"Ikaw, tingin mo Bry?"
Napatingin ako kay Kadence ng tanungin nya ako,
"H-ha?"
Napapalatak sya...
BINABASA MO ANG
I'm the MAN, but She's the BOSS (Kadence and Nia)
Romance"YUNG PAGIGING TOTOO, yun ang nagpapaganda sa TAO"