Caiden's POV:
"Surprise!" nagulat pa ko kung sino yung nilalang na nasa bahay ko ngayong gabi.
Si GUN!
Kaybigan din namin sya nila Kadence at Bry. Nasa States sya eh nakabalik na pala sya. At talagang ako pa yung naisip nyang puntahan agad ah? ang sweet naman pala nito. Haha.
"Oy nandito kana pala! Musta Bullet?!" masayang bati ko sa kanya.
Bullet ang tawag namin sa kanya, astig kasi ng name eh. GUN Ralph GRIFFIN.
Napansin ko na parang may hinahanap hanap sya.
"Kaylan kapa nakauwi?" tanong ko sa kanya bago naupo sa couch.
Ano bang hinahanap nito? abot ang lingon sa bawat anggulo ng bahay eh.
"Si Betchay?" nakangiting tanong nya. Muntik ko nang maibuga yung iniinom kong Mountain Dew.
Kaya pala ako agad yung pinuntahan ng gunggong na to e dahil kay Betchay?!
Tinatanong nyo kung sino si Betchay? sya lang naman ang pinakamamahal kong kapatid.
Betty Ashie ang TRUE NAME nya, BETCHAY ang nickname nya. Nasa Japan sya ngayon together with my Mom.
"Loko! si Betty lang pala yung pinunta mo dito? akala ko pa man din ako!" sabi ko sa kanya. Natawa naman sya.
"Nasan nga si Betty?" tanong nya sakin.
"Nasa Japan sya, hindi pa umuuwi. Kung ako sayo mag aral kana ng Japanese Language para magkaintindihan kayo kapag uwi nya dito" sabi ko sa kanya.
"Hai!" sagot naman nya.
Aba at marunong na nga? mukang talagang pinaghahandaan nito ang kapatid ko ah?
"Anyway kamusta si Kadence at Bry?"
"Ayun hanggang ngayon hindi padin makalamang sa kgwapuhan ko" nakangiting sabi ko sa kanya.
Napailing sya at nag smirk
"Wala kapa din pinagbago, hanggang ngayon puro hangin padin yang katawan mo!" natatawang sabi nya sakin.
Hindi ba talaga nila matanggap na gwapo ko?
Napaghahalata talaga kapag may mga inggit sayo e.
"Puntahan natin si Kadence, tara!" sabi nya at tumayo.
Umiling ako at winarningan ko sya.
"No, no, no" sabi ko habang ginagalaw ang daliri ko.

BINABASA MO ANG
I'm the MAN, but She's the BOSS (Kadence and Nia)
Storie d'amore"YUNG PAGIGING TOTOO, yun ang nagpapaganda sa TAO"