Chapter 15 (ITMBSTB)

96 6 0
                                    

Kadence POV:

Nasa byahe na ko ngayon at pauwi na, 5pm palang naman kaya naisip kong dumaan sa pwesto nila Nia.

Inaamin ko, gusto ko syang makita.

Nang makarating ako sa pwesto nila ay nakita ko agad si Nia, nakatayo sya sa harap nang pwesto nila at..

MAY KAUSAP SYA?

Lalaki ang kausap nya.

Biglang napabilis yung pagbaba ko sa kotse dahil dun, at nagmamadali akong lumapit sa kanila.

"Ang tagal ko ng nagpupunta sa palengke na to pero ngayon lang kita nakita dito, so kamusta kana?" tanong nung lalaki.

Parang pamilyar sya sakin, pati yung boses nya.

Nakita kong napapangiti si Nia habang kausap yung lalaki, bigla akong nakaramdam ng inis dahil  dun.

Tumikhim ako kaya napalingon silang dalawa.

TSSS.. SABI KO NA NGA BA EH, ETO YUNG LALAKING SINUNTOK KO SA KALSADA NOON, REMEMBER NUNG MUNTIK KO NANG MASAGASAAN SI NIA? YUNG LALAKING NAGPILING HERO. PSH -___-

"Oh Kadence!" nakangiting tawag sakin ni Nia.

Taka naman na napatingin sakin yung lalaki, nagtataka siguro sya dahil nung unang magkita kami magkaaway kami nitong si Nia.

"O-okay na kayong dalawa?" hindi makapaniwalang tanong nung lalaki.

Tsss.. muka bang hindi? binati na nga ako ni Nia diba? tanga!

"Oo okay na kami ngayon, ah Kadence si Keaton nga pala" sabi sakin ni Nia.

So? I don't care. Mas gwapo padin ako sa kanya.

"Bro" sabi nung lalaki at nakikipag kamay.

Napilitan akong abutin yung kamay nya dahil baka mabadshot ako kay Nia.

Nakangiti sakin yung lalaki pero hindi ko sya nginitian, hindi kami close, tsaka ano bang ginagawa nya dito kila Nia? tss kainis!

"Bakit ka pala nandito Kadence?" tanong sakin ni Nia.

"Ah.. wala naisip ko lang na dumaan" sagot ko naman, habang palihim na sinusulyapan yung lalaking nagngangalang Keaton.

KUNG MAKATINGIN KASI SYA KAY NIA WAGAS EH! BIGWASAN KO KAYA MINSAN TO? PSH! -_-

"Ganun ba? wala kabang trabaho?" tanong sakin ni Nia at binuhat yung upuan para ipasok na sa loob, pero mabilis itong tinulungan nung Keaton.

"Ako na" nakangiting sabi nito kay Nia. Hinayaan naman na ito ni Nia.

NAKAKAINIS!

Bat ba ko NAIINIS?!

NAGSESELOS BA KO?!

HINDI! naiinis lang talaga ko sa lalaking to. Tss.

I'm the MAN, but She's the BOSS (Kadence and Nia)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon