**PLAZA**
"Bakit nga pala may plaza dito sa inyo?" tanong ni Caiden kay Eradee.
"Magppyesta na kasi" sagot naman ni Eradee dito.
"Ayos pala talaga dito sa inyo no?"
"Ang inosente mo naman"
"Eh ngayon nga lang ako napunta sa mga ganitong lugar eh" sabi ni Caiden.
Naglakad na si Eradee palayo, humiwalay kasi sila kila Kadence at Nia.
"Eradee my Labs! saan ka pupunta?" sigaw nito.
Hindi naman sya sinagot ni Eradee at patuloy lang ito sa paglakad palayo.
"Tss..." sabi nalang ni Caiden at napailing bago humabol dito.
----
Kadence POV:
"So this is what they called Plaza?" sabi ko kay Nia habang inililinga ang paningin ko sa lugar.
Madaming tao, at ibat ibang kulay ng ilaw ang nakikita ko. First time ko sa ganitong lugar eh.
"Oo eto na nga yung plaza" sagot sakin ni Nia.
Tumingin ako sa kanya at may hawak syang popcorn, kain lang sya ng kain.
"Gusto mo?" alok nya sakin, pffft nakakatawa talaga sya, wala syang pakialam basta kain lang sya ng kain.
"Oh bakit ka nangingiti dyan?" puna nya sakin.
"Wala..." sabi ko sa kanya
"Anong wala ngumingiti ka nga oh?" sabi nya sakin at sinundot yung pisngi ko.
"Natutuwa lang ako sayo"
"Bakit muka ba kong clown?" tanong nya.
"Hindi, basta" sabi ko at naglakad na. Nasa gilid ko naman sya at hindi kami nag kakalayo.
"Tara dun!" sabi nya at tinuro yung ferris wheel.
Psh. No.
"Wag na tayo dyan, delikado" sabi ko sa kanya.
"Sige na kasi!" sabi nya, para syang batang nagmamaktol ngayon, pumapadyak yung paa nya eh.
"Delikado" sabi ko sa kanya.
Kumunot yung noo nya.
"Sige na! Ang KJ mo naman e!" sabi nya sakin.
BINABASA MO ANG
I'm the MAN, but She's the BOSS (Kadence and Nia)
Romansa"YUNG PAGIGING TOTOO, yun ang nagpapaganda sa TAO"