-
Kadence POV:
Paglingon nya si Nia, hawak nito ang kamay nya napako ang tingin nya sa kamay nya na hawak nito.
"Wag kang mag magaling sa ulan, hindi yan namimili nang bibigyan ng sakit" sabi nito sa kanya at mabilis syang hinila at kinaladkad sa kung saan.
Huminto sila sa isang pwesto ng grocery store.
"Nay! pasilungin nga muna natin tong kumag na to, gusto yatang magkasakit e" sabi ni Nia.
"Magandang araw ho" sabi nya sa Nanay ni Nia. Medyo kinakabahan pa sya piling mabait kasi sya ngayon.
"Oh bakit ka naman nagpakabasa sa ulan bata ka? uso ang sakit!" may halong panenermon na sabi nito.
"Nagmamagaling po kasi Nay eh" tiningnan nya si Nia.
"Nagmamagaling ka dyan? syempre ayoko din naman magkasakit"
"Ayaw mo? kaya ka nagpaulan?" pang iinsulto nito sa kanya..
"Hindi ko naman sinadya ah? naabutan lang kaya ako, nakita mo naman diba?" sabi nya dito.
"Tsss! oh!" sabi nito at inaabot ang isang twalya sa kamay nya.
Tiningnan nya yun..
"Wag kang maarte malinis yan!" sermon nito
TSSS! NAKAKATAKOT TALAGA TONG BABAE NA TO, PARANG LAGING HIGHBLOOD EH! AT PARANG DRAGON DIN!
Inabot nya ang twalya dito at pinunasan ang nabasa nyang katawan.
"Kuya Kadence upo ka muna o" sabi ni Nash sa kanya at inabot ang upuan.
Tinanggap naman nya yun at naupo sya.
"Oh magkakakilala pala kayo?" tanong ng Nanay ni Nia.
"Ah actually Nay, hindi. Naawa lang ako muka kasing tanga na nagbabasa sa ulan e, hindi yata alam kung saan sisilong"
TSSS! ANG SINUNGALING NG BABAE NA TO.
Tiningnan lang nya si Nia, tumaas ang isang kilay at pasimpleng nagsmirk.
BALIW TALAGA! tsk tsk.
"Nia, mamili kana ng gulay sa loob ng palengke yung pang sopas" dinig nyang sabi ng Nanay nito.

BINABASA MO ANG
I'm the MAN, but She's the BOSS (Kadence and Nia)
Romance"YUNG PAGIGING TOTOO, yun ang nagpapaganda sa TAO"