KUMATOK muna si Gail bago binuksan ang pinto ng office ni Madame Magnolia. Pagpasok niya ay may kausap ito sa telepono. Itinaas nito ang isang daliri para ituro ang upuan sa harap ng table nito. Tumango siya at naupo.
"Okay, thanks. Bye!" Nakangiting ibinaba nito ang telepono. "Gail," may ngiting baling nito sa kanya.
Ngumiti si Gail. "Pinatawag n'yo po ako Madame?"
"Oh yes, may favor lang sana ako."
"Ano po 'yon Madame."
"Well, where do I start? Ganito kasi 'yon, hija. I have a nephew and lets just say na he's hiding from my sister - her mother, actually. And, the least that I can do for him is to give him my most reliable person - and that's you."
"Po?"
Inabot nito ang kamay niya.
"Gail, hija, pwede bang maging housekeeper ka muna sa bahay ng pamangkin ko."
"Po? Pero -"
"Don't worry, kahit wala ka sa Sweet House babayaran naman kita. Kapag okay na, pwede ka nang bumalik sa Sweet House. Or kapag day off mo doon. Just please, please, do this for me. Ikaw lang talaga ang pinagkakatiwalaan ko."
Housekeeper? Maid ng pamangkin ni Madame. Okay naman sa kanya 'yon kaso lang lalaki. Hindi niya alam kung safe ba 'yon para sa kanya. Pero paano ba siya makaka-hindi kay Madame? Malaki ang utang na loob niya rito. Saka hindi naman siguro masama ang ugali ng pamangkin nito. Baka nga teenager lang na nagri-rebelde.
Ngumiti si Gail sa ginang.
"Sige po, tatanggapin ko po."
"Thanks, hija." Lumapad ang ngiti ni Madame at masuyong tinapik-tapik ang likod ng kamay niya. "Huwag kang mag-alala at mabait naman ang pamangkin ko. You can bring your kids as well. Mahilig 'yon sa bata."
"Hindi naman po siguro ako stay in, 'no, Madame?"
Umiling ito. "No, pwede ka ring umuwi pagkatapos. Here," mula sa table cabinet nito ay ibinigay ni Madame sa kanya ang isang papel. "Call him, tanongin mo siya kung saan siya ngayon."
Kumunot ang noo niya. "Hindi po n'yo alam kung na saan siya?"
"No, hija, mas mabuti na rin 'yon. Mahirap magsinungaling sa nanay ng batang 'yon. And please, don't tell me where kahit pilitin pa kita. It's for his best."
Tumango si Gail. "Sige po, Madame. Tatawagan ko ho siya mamaya."
"Thank you,"
Tinignan niya ang nakasulat na numero sa papel bago ibinaling ulit ang tingin kay Madame. Ibinalik niya ang ngiti sa ginang.
SANA nagtanong na lang siya sa guard kung saan siya daan paikot-ikot na tuloy siya sa buong village. Idagdag pang sobrang init ng panahon. Mukhang haggard na haggard na siyang haharap sa pamangkin ng Madame niya. Basang-basa na siya sa pawis. Nanlalagkit na rin siya. Buti na lang may dala siyang pamalit sa bag. Tinignan niyang muli ang exact address na iti-next ng pamangkin ni Madame sa kanya.
Hindi pa niya nakakausap ang lalaki dahil masama daw ang pakiramdam nito kaya nag-text lang ito sa kanya nang subukan niyang tumawag. Wala daw itong boses kaya sa text na lang. Nagpakilala ito sa kanya bilang Hanz tapos 'yong address nga sa isang village sa Talamban.
Pataas ang village kaya mabigat sa mga paa na akyatin. Marami pang-pasikot-sikot kahit na halos ng mga nadadaanan niyang bahay ay malalaki. Halatang village 'yon ng mga mayayaman sa Cebu. Nalula siya sa mga bahay. Mukhang siya lang yata ang naglalakad sa daan at puro magagarang sasakyan ang nakakasabay niya. Hala ha!
BINABASA MO ANG
WHEN DESTINY PLAYS - COMPLETED 2017
RomanceHANZEL D'CRUZE - Biglang pinara ng limang armadong lalaki ang bus na sinasakyan nila Hanzel and Grethel Gail. Sa pag-aakalang magkasintahan sila Hanzel at Gail pinilit silang magtalik sa harap ng mga ito. Hanzel had no choice but to agree dahil naka...