Destiny 19

12K 404 66
                                    

"DIOS ko, seryoso nga?" hindi makapaniwalang ulit ni Madame Magnolia saka nagpalipat-lipat ng tingin nito sa kanila. "Kasal na kayo? Ikaw din ang ama ng kambal?" Tanong nito sabay tingin kay Hanzel.

Nakangiting tumango si Hanzel. "Mahabang kwento Tita. Saka ko na lang iku-kwento lahat."

"Ikaw na bata ka." Pinalo nito sa balikat Hanzel na kinatawa lang ng huli. "Ni hindi mo man lang ako inimbetahan sa kasal n'yo." Binalingan siya ng Ginang. "Ikaw din Gail. Parang anak na ang turing ko sayo tapos itinago n'yo pa saken 'to."

"Sorry po Madame. Biglaan kasi saka –"

"Anong Madame? Huwag mo na akong tawagin niyan. Tita na lang. Hindi ka naman na iba saken at isa pa asawa ka na pala ng pamangkin ko." Napahawak ito sa magkabilang pisngi nito na tila hindi pa rin ito makapaniwala. Naibaling ang tingin nito sa kambal na busy na busy sa kinakain na cake. "Hindi ako makapaniwala. Kaya pala ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa inyo, hija. 'Yon pala dahil mga apo ko sila Milko at Milky."

"Ang liit lang ng mundo." Ani ni Hanzel sabay tingin sa kanya. "Akalain mo 'yon Tita, ikaw pa mismo ang magdadala saken sa kanila." Napangiti siya.

"Malakas ang kutob kong titigilan ka na ng Mama mo." Binalingan ulit sila ng Ginang. "Alam na ba ng Mama mo na nag-asawa ka na?"

Umiling si Hanzel. "Hindi pa. Lagi pa ba siyang pumupunta dito?"

"Hindi na masyado. Huling dalaw niya ay 'yong ibinigay niya lang saken 'yong envelope na inabot ko sayo. She did not visit me after that or even call me. Mukhang sumuko na yata."

Hanzel shrugged. "Buti sana kung 'yon nga."

"Knowing your mother, I doubt that hijo."

Bigla tuloy naalala ni Gail ang huling pagkikita nila ng nanay ni Hanzel. Bumalik 'yong kakaibang kaba sa puso niya. Naalala niya 'yong ngiti nito sa kanya. Hanggang ngayon isang malaking misteryoso sa kanya ang ngiti nito. Kung hindi siya nagkakamali, baka nga ay natatandaan pa siya nito.

Pero bakit nginitian niya ako?

"Gail?" bigla namang naputol ang pag-iisip niya nang tapakin siya ni Hanzel. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. "Okay ka lang ba?"

Tipid na ngumiti siya. "Oo, may naisip lang ako bigla. Bakit?"

"Kailan naman kayo ikakasal sa simbahan?" tanong ni Madame Magnolia.

"Ho?"

"I mean, sa huwes lang naman 'yon. Syempre naman ayoko namang 'di kayo makasal sa simbahan. Sabihan n'yo ako kung kailan para maihanda ko kayo ng pinakamaganda at pinakamasarap na cake na kaiinggitan ng lahat." Pinagdaop nito ang mga kamay at may ngiting tinignan sila. "Excited na ako. I'll help with the preparation. Hindi ako papayag na simple lang. I want it to be perfect."

"Paano ba 'yan 'Ta, gusto namin simple church wedding lang." Sagot ni Hanzel.

"Well, 'di gawin nating perfect simple wedding. Minsan lang maging bride si Gail kaya dapat memorable ang kasal niya. Huwag kang mag-alala Gail, hija. Akong bahala sayo. I'll make sure that you'll be the beautiful bride on that day."

Bigla tuloy siyang na conscious. "Naku po, nakakahiya naman –"

"Anong nakakahiya. Hija," inabot nito ang isang kamay niya at marahang pinisil 'yon. "You deserve it. Saksi ako sa dedikasyon mo na matuto noong bago ka pa lang dito sa Sweet House. You did all those things for your kids... para lang mabigyan sila ng magandang buhay at maibigay mo sa kanila ang mga pangangailangan nila."

"Kaya nga po sobrang swerte ko sa asawa kong 'to."

"Ma swerte ka talaga! Kaya huwag na huwag mong saktan ang asawa mo at ako makakalaban mo."

WHEN DESTINY PLAYS - COMPLETED 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon