Destiny 24

14.8K 461 74
                                    

"HOY Mohana hindi kita dinala dito para maghapon na simangutan ako." Nanlaki lang ang mga butas ng ilong ni Mohana habang hirap na hirap sa pagdadala ng dalawang bayong na punong-puno ng mga gulay at rekado na gagamitin ng nanay niya sa pagluluto. "Ayosin mo ang pagdadala kung ayaw mong kurutin kita sa singit na bata ka."

"Aw!" lalo lang siyang napasimangot nang tampalin ng nanay niyang highblood ang braso niya. "Nay naman eh. Ang bigat-bigat na nga 'tong bayong n'yo sasaktan n'yo pa ako. Ano bang laman nito bato? Ikaw ba si Darna? Kaloka, ha? Bayaran n'yo ako sa labor ko, ha?"

"Ang laki ng braso mo nag-sleeveless ka pa."

Napamaang naman talaga siya. "Wow, ha? Inaano po ba kayo ng braso ko, ha? Mainit kaya po. Pahihirapan ko pa ba ang kili-kili ko na mainitan. Grabeh siya oh." Nakakaloka 'tong nanay ko, ha?

"Ambot nimong bataa ka. Hala dalian mo na diyan at magluluto pa ako."

Naku kung hindi niya lang mahal 'tong nanay niya ay nunca sasamahan niya ito sa mental hospital. Matagal nang kusinera ang nanay niya sa St. Clare Psych Facility. Hindi nga lang siya sumasama rito dahil raketera din talaga siya. Multitasking silang mag-ina para sa kinabukasan ng kaldero sa kusina nila.

Ngayon lang dahil nagkasakit ang assistant ni nanay. Simple lang ang facility na 'yon. Parang malaking bahay lang din na may malawak na garden. Puro babae lang din ang mga pasyente doon.

Iniwan niya muna ang nanay niya sa kusina. Taga bit-bit lang talaga ang role niya dahil world war 2 talaga ang mangyayari kung hahayaan siyang patulungin ng nanay niya sa kusina. Jus ko! Mukha lang akong pinabayaan sa kusina pero 'di talaga kami close kung pagluluto lang ang pag-uusapan.

Nag-ikot-ikot siya sa buong facility hanggang sa matagpuan niya ang sarili sa sala ng naturang pasilidad. Maraming mga larawang naka display sa pader. Inisa-isa niyang tinignan ang mga larawan mula sa bago hanggang sa luma.

"Oh," talagang natigilan siya nang may mapansin siyang pamilyar na tao sa isa sa mga larawan na 'yon. Sobrang naningkit ang mga mata niya. Sinipat niyang mabuti ang larawan. "Tama ba 'tong nakikita ko? Baka naman kailangan ko na nang salamin? Hala grabeh, kamukha talaga ng pashnea na 'yon ang babae sa picture."

Hindi siya pwedeng magkamali. Kamukhang-kamukha talaga ni Abbygail ang hindi naka ngiting babae sa larawan. Sa itsura ng damit nito sa larawan mukhang isa ito sa mga pasyente sa St. Clare. Hala, nabaliw ba 'yon dati?

"Si Abbygail kaya 'yan?"

"Kilala mo siya, hija?"

Naibaling niya ang tingin sa matandang madre sa tabi niya. "Sister, ano pong pangalan niya?" Itinuro niya 'yong kamukha ni Abbygail.

"Ah, that's Abbygail Samonte." Kung ganoon tama ako. "She stayed here for 3 years. She was abused by her husband and was traumatized. She was even accused for killing her husband but the court believed that it was just a form of self defense kaya dito siya sa St. Clare na punta at nagpagaling."

Tumango-tango siya kahit sobrang napapakunot-noo na siya sa pa English ni sister. Jus ko! Mag-focus ka Mohana. Mag-focus ka. Kung tama ang pagka-intindi niya. Nakapatay si Abbygail. Pinatay niya ang asawa niya.

Gulat na naibalik niya ang tingin sa larawan ni Abbygail.

Kailangan 'tong malaman ni beshie!





WHEN DESTINY PLAYS - COMPLETED 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon