NARAMDAMAN ni Hanzel ang kamay ni Crosoft na humawak sa isang balikat niya. Nilingon niya ang kapatid. Seryosong-seryoso ang mukha nito at mukhang wala yata itong planong paalisin siya.
He give him a smile and tapped his hand that where on his shoulder.
"It'll be fine." He assured. Ibinaba niya ang kamay nito. "Abbygail will never hurt me."
"Sure ka ba talagang walang lahing aswang o immortal 'yang ex mo? May inihanda akong bawang sa likod ng sasakyan. Baka ko gusto mong i-kwentas. Pandagdag accessories sa get up mo. Pak juice! Kinakabahan talaga ako sayo Hanzel!"
"Ano ka ba, mag-relax ka nga. Masyado ka namang OA diyan. Kakausapin ko lang naman si Abbygail."
"Buti sana kung normal na tao 'yang kakausapin mo. Kahit pa whole day ibibigay ko sayo pero tang na juice! Ilang tao na ba napatay niya - aw" sinuntok niya sa balikat si Crosoft. He cursed under his breath. "F-ck! What was that for?!" Ginantihan naman siya nito ng sipa sa binti. It was his turn to grimace in pain. Shit! Ang sakit pala sumipa ng loko!
"Baliw ka ba?!" singhal niya rito.
"Nag-aral ako ng Taekwondo para sa mahal ko. Kaya huwag mo akong ina-ano at black belter ako. Hala, humayo ka na. Dito lang ako. Hihintayin kita. Tumawag ka kung kailangan mo ng back up. Papunta na si Peter."
"You called Peter?"
"Gago! Hindi ako magpapaka-bayani para sayo. May shooting ako bukas. Hindi pwedeng magalusan ang mukha ko. Puhunan ko 'to. May babayaran akong tuition ng mga anak ko. Kailangan ko ng pera."
He can't help but laugh. "Akala ko ba mayaman ka?"
"I know right."
"Gago! Bahala ka na nga sa buhay mo. Hintayin mo na lang ako dito."
"I'll call you after 30 minutes. Kapag 'di mo ako sinagot aakyat na ako."
"Mag-text ka na lang."
"Marami akong load. Gusto ko ng call."
Natawa lang siya. Tinalikuran na niya ang kapatid at dumiretso papasok sa condo kung saan nakatira si Abbygail. Aaminin niyang kinakabahan siya. Natatakot siya na baka may masabi siyang ikagalit ni Abbygail. Alam niyang inis na ito sa kanya dahil ilang linggo siyang hindi nagparamdam rito. Knowing her state of mind, he has to be more cautious with everything he says and do.
Habang nasa elevator iniisip na niya kung paano niya kakausapin ito. Pero kahit na may idea na siya kung paano ay 'di pa rin mawala sa isipin niya ang pwedeng mangyari. Masasaktan niya ulit ito. Baka saktan siya nito or else she will hurt herself. Worst thing, baka magkasakitan silang dalawa.
Nahilot niya ang noo. He sighed. Relax Hanzel, everything will be alright. Bumukas ang elevator at lumabas siya agad. Humugot ulit siya ng malalim na hininga bago kumatok sa pinto ng condo unit nito. Hindi na siya nagtaka kung bakit mabilis na pinagbuksan siya ng pinto ni Abbygail. Tinawagan niya na ito kanina para ipaalam rito na pupunta siya. She sounded okay over the phone. It was a relief for him though he knew she felt bad inside for what he had done to her.
"Hanzel!" mabilis na niyakap siya nito. "Babe. Akala ko 'di ka magpapakita saken." She cupped his face. "Hindi mo naman ako iiwan, diba?"
Ngumiti siya at masuyong ibinaba ang mga kamay nito. He hold her wrist and pulled her inside. "Gutom na ako. May pagkain ka ba dito?" Hindi ko pa siya pwedeng biglain. Kailangan ko pa ng tiyempo.
"I knew you'd be hungry kaya nagluto ako ng food para sayo." Pinaupo siya nito sa isa sa mga silya sa dining table nito. May inihanda na itong mga pagkain sa mesa. Humila din ito ng silya na naupo sa tabi niya. "Saan ka ba galing at 'di kita ma contact these past few days?" Sumamingot ito. "You made worry, alam mo ba? Hindi ka man lang nag-text o tumawag man lang."
BINABASA MO ANG
WHEN DESTINY PLAYS - COMPLETED 2017
RomansaHANZEL D'CRUZE - Biglang pinara ng limang armadong lalaki ang bus na sinasakyan nila Hanzel and Grethel Gail. Sa pag-aakalang magkasintahan sila Hanzel at Gail pinilit silang magtalik sa harap ng mga ito. Hanzel had no choice but to agree dahil naka...
