BASANG-BASA si Hanzel nang makabalik sila Gail sa resort. Sa awa ng Dios ay naayos naman ni Hanzel ang sasakyan kaya sila naka-uwi. Malakas pa rin ang buhos ng ulan sa labas. Pero hindi naman siya mapakali. Okay lang kaya 'yon?
Naibaling niya ang tingin sa mahimbing nang natutulog na mga anak. Muli siyang napabuntong-hininga. Nakakaasar 'yang Papa n'yo. Kung kailan nanahimik na tayo saka naman siya babalik. Nakaka-bwesit na, ha? Napasimangot siya.
"Dapat dine-deadma na kita eh." Mahinang bulong niya sa kawalan. "Hindi ko tuloy malaman kung dapat pa ba akong umasa o hindi na. Minsan kasi 'di ko maintindihan kung ano ba talaga ang gusto mong mangyari."
Hindi rin siya nakatiis at pinuntahan niya si Hanzel sa kwarto nito. Gail, tandaan mo. Kakamustahin mo lang siya. Kapag okay siya ay umalis ka na kaagad. Maliwanag ba? Naku! Naku! Grethel Gail makukutusan talaga kapag ikaw bumigay ka na naman. Humugot siya nang malalim na hininga bago kumatok sa silid nito.
Tatlong beses yata siyang kumatok bago siya nito pagbuksan ng pinto. Agad namang sumipa ang kakaibang tibok ng puso niya nang sumilip ang mukha ni Hanzel. Bumukas naman ang pag-aalala niya rito nang mapansing namumula ang mukha nito. Alam niyang 'di 'yon sunburn dahil wala naman 'yon kanina.
Alam niyang may sakit si Hanzel. Ganun na ganun ang mukha nito kapag may dinaramdam. Binuksan niya ng malaki ang pinto. Nagulat ito sa ginawa niya lalo nang bigla niyang salatin ang pisngi at noo nito.
"G-Grethel?" he stuttered.
Hinuli niy ang mga mata nito. "Nilalagnat ka?"
Napakamot ito sa noo. "Hindi naman masyado. Sinat pa lang naman yata –"
"Uminom ka na ba ng gamot?"
"Tapos na." Tumango ito. "Oh, bakit nandito ka? Tulog na ba ang mga bata?" pag-iiba nito. Pilit nitong pinasisigla ang boses pero kapansin-pansin naman ang pamamaos ng boses nito. He cleared this throat nang mapansin siguro nito ang kakaiba niyang tingin rito. Lalo lang niya itong tinignan ng seryoso. "I'm okay. Don't worry about me."
"Hindi ako nag-aalala sayo." Kaila niya. Bahagyang tumaas ang isang kilay nito at tila hinihintay pa nito ang kasunod niyang sasabihin. "Gusto ko lang malaman na okay ka." Dagdag pa niya.
"Nag-aalala ka nga saken."
"Hindi nga."
Sumilay ang isang ngiti sa mukha nito. "Fine, you don't –" bigla naman itong inihit ng ubo. "But still, you care. Don't lie. It shows all over your face."
Napamaang siya. Kapal nito ah. Dagdagan ko kaya 'yang sakit mo, ha? "May nakasulat bang I CARE FOR YOU sa noo ko?"
"Wala naman." He innocently shrugged his shoulder. "I just assumed."
Tinalikuran na siya nito at padapang humiga sa kama nito. Kahit na hindi naman naka todo ang aircon ay malamig pa rin ang silid dagdag pang umuulan. Sigurado siyang nilalamig ito. Naupo siya sa gilid ng kama saka hinila ang kumot pataas sa katawan ni Hanzel.
"Magpahinga ka na."
"I like it." Bigla ay sagot nito.
"Huh?"
"I like it when you still act as my wife."
Biglang kumabog nang mabilis ang tibok ng puso niya. Nag-init bigla ang mga pisngi niya. Mabuti na lang at nakadapa itong nakahiga kaya 'di nito makikita ang mukha niya. Hindi niya tuloy alam kung anong isasagot niya o kung ano eksakto ang mararamdaman niya sa mga oras na 'yon.
Sa totoo lang nabigla siya sa sinabi nito. Hindi niya inasahan na masasabi ni Hanzel 'yon sa kanya.
"It reminds me so much of that night you took care of me when I had a fever." Nanlaki ang mga mata niya. Naalala niya? "It always warms my heart."
BINABASA MO ANG
WHEN DESTINY PLAYS - COMPLETED 2017
RomanceHANZEL D'CRUZE - Biglang pinara ng limang armadong lalaki ang bus na sinasakyan nila Hanzel and Grethel Gail. Sa pag-aakalang magkasintahan sila Hanzel at Gail pinilit silang magtalik sa harap ng mga ito. Hanzel had no choice but to agree dahil naka...
