"MAMA bakit po tig-isang hotdog lang kami ni Milky eh madami naman niluto n'yo." Nakangusong baling sa kanya ni Milko. Pasimple niya namang pinandilatan ang anak. "Ma pahinge ring itlog –"
"Milko hindi sa atin 'yan." Bulong niya rito. "Saka na kapag nakabili si Mama ng pagkain. Sa ngayon 'yan na muna."
"Mama ang sarap po nung bacon." Nabaling naman ang atensyon niya kay Milky na kagat-kagat ang kutsara habang titig na titig sa bacon na inihanda niya rin para kay Hanzel. "Pwedeng patikim?"
"Mama pwede din po bang pahinge ng fresh milk?" nag-turo naman ngayon si Milko sa iniinom ni Hanzel. Napapangiwi na siya sa isip dahil sobrang nahihiya na talaga siya kay Hanzel na napapatingin na lang sa kanilang mag-iina. "Ma, pati din bacon."
"Ako din Ma."
"Hindi –"
"Let them Gail." Nakangiting putol ni Hanzel. "Hindi ko naman mauubos 'tong mga inihanda mo. Sige na mga bata, eat all you want."
"Yehey!" sabay na sigaw ng dalawa. Hay naku! Ngayon ko gustong pagsisihan ang pagpayag kong sumama sayo Hanzel. Ang dami ko na ngang problema heto at dinagdagan ko pa. "Mama, pahinge nun. Saka nun. Saka nito."
Pinandilatan niya ng mata ang dalawa. Mabilis na yumuko ang mga ito sabay sabi. "Sabi ko nga diet kami."
Naiangat niya naman ang tingin kay Hanzel na tawang-tawa. "This is cute."
Wala siyang nagawa kung hindi ang mapabuntong-hininga. Wala na. Nandito na siya. Ano pa bang magagawa niya? Hindi naman talaga siya papayag pero wala talaga siyang choice dahil nag-text sa kanya si Madame Magnolia at ini-insist nito na tumira muna siya kay Hanzel kung hindi ay hindi siya nito pababalikin sa Sweet House.
Okay lang naman sana sa kanya 'yon kung wala lang siyang itinatago kay Hanzel pero meron. Malaking meron. At hindi rin siya pwedeng mawala sa Sweet House dahil mahihirapan siyang maghanap ulit ng trabaho na malaki ang sahod. Ano ba namang laro ng tadhana ang meron sa amin at naging sunod-sunod. Sign na ba 'to ng langit na magtapat na siya kay Hanzel?
Naman! Ang hirap, ha?
Basta, maghahanap pa rin siya ng malilipatan kapag nagka-oras siya. Sa ngayon, hindi na muna siya magpapaka-choosy. Magpapatuloy na lang siya kay Mohana.
"KUYA padala mo na saken dito sa Cebu ang mga pinaglumaan nila Font at Danah. Ang yaman-yaman n'yo magbigay naman kayo sa mahihirap." Pabiro niyang sabi sa kapatid.
"Gago! Ang yaman-yaman mo rin pero namamalimos ka pa."
Natawa siya. "Baka nakakalimutan mong I am under your care."
"Ipapamud-mud ko sayo ang kayamanan ko." Malakas na tumawa ang kapatid sa kabilang linya. "Teka nga muna, para saan ba ang mga damit?"
Pinseryoso niya ang boses. "Kuya tama ka nga." But deep inside he's trying not to laugh. Bibiruin niya lang ito ng konti.
"Na ano?"
"Na baka may anak na ako." Natahimik ang kapatid. Nakagat niya naman ang ibabang labi. Darn, don't laugh Hanzel. "Kuya... nakita ko na ang mag-ina ko."
"Pak juice ka Hanzel huwag na huwag mo akong bibiruin ng ganyan!"
"Kuya seryoso ako."
"Gago ka! Umayos ka Hanzel Sebastian D'Cruze!"
BINABASA MO ANG
WHEN DESTINY PLAYS - COMPLETED 2017
RomanceHANZEL D'CRUZE - Biglang pinara ng limang armadong lalaki ang bus na sinasakyan nila Hanzel and Grethel Gail. Sa pag-aakalang magkasintahan sila Hanzel at Gail pinilit silang magtalik sa harap ng mga ito. Hanzel had no choice but to agree dahil naka...
