Destiny 27

16.8K 430 61
                                    

HANZEL couldn't help but lovingly stare at her wife from afar. Kitang-kita niya ang saya sa mga mata nito. Halos hindi na ito mahiwalay sa tatay nito. God, who would have thought na ako na mismo ang maglalapit sa mag-ama. Naalala niyang may naipangako siyang hahanapin niya ang tatay ni Gail. Well, he was planning to find her father but I guess 'di ko na yata kailangan lumayo pa.

"Araw-araw ka bang nagdadasal Hanzel?" naibaling niya ang tingin kay Kevin.

"Why?"

"Ang lakas ng kapit mo sa Kanya, ha? Akalain mong ikaw pa ang magtatagpo sa mag-ama. Inis pa rin ako sa pang-gago mo kay Gail pero dahil nagkita na ulit ang mag-ama I'll just forget what you did to her. Huwag mo na lang sanang uulitin dahil mauupakan na talaga kita."

"Dalawa ang papatay sayo." Segunda naman ni Mohana. "Ipapakain kita sa pating."

Natawa lang siya. "Chill guys." Ibinaling niya ulit ang tingin kay Gail. "I'm not gonna hurt my wife anymore. She's already my life. Hurting her would only mean killing myself in the process."

"Chosero nito." React naman ni Mohana. "Huwag mo akong idaan sa English. I can understand that very well kaya. Don't me."

Napangiti lang siya. "Hindi ko kaya ini-echos. Trust me."

"Naku! Naku! Tigilan mo ako niyang pa-Trust me mo diyan. Nakakabuntis pa rin 'yan."

"Ibang Trust naman 'yang sinasabi mo." Pinasakan bigla ni Kevin ng cup cake ang bibig ni Mohana. "Kumain ka na lang. Huwag puro kamunduhan Mohana."

Natawa lang silang dalawa ni Kevin.





YAKAP-YAKAP ni Grethel Gail ang isang braso ng ama habang naglalakad sila sa dalampasigan. Papalubog na ang araw. Isa sa mga paborito nilang gawin noong bata pa siya. Sa mga ganoong oras sila naglalakad at namumulot ng shells ng tatay niya. Hanggang sa mga oras na 'yon hindi pa rin siya makapaniwalang kasama na niya ang ama. Nahahawakan. Nakakausap. Parang isang panaginip.

Naiyak siya dahil 'yong surprise birthday ni Hanzel sa kanya ay talagang malaking surprisa talaga sa kanya. Ang tatay na yata niya ang pinakamagandang regalo ng Dios sa kanya. Salamat kay Hanzel.

"Nakakatuwa ang mga anak mo Gail." Basag nito. "Manang-mana sayo. Makukulit." Nakangiting sabi nito.

"Sakit nga po sa ulo Tay. Ngayon alam ko na kung bakit lagi n'yo akong binabato ng tsinelas noon." Natawa siya. "Bumalik din saken 'yong kakulitan ko."

"Masaya ako para sayo anak. Nakikita kong mahal na mahal ka ng asawa mo. Gusto ko siya para sayo."

"Mahal na mahal ko din po siya kahit na medyo sakit din 'yon sa ulo."

Natawa ito. "Masakit naman talaga sa ulo ang mga lalaki, anak."

"Masakit po talaga!"

They were silent for a moment.

"Pero malaki pa rin ang pasasalamat ko dahil buhay ka." Malungkot na binalingan siya ng ama. "Akala namin ng mga kapatid mo na patay ka na. Nakita kasi namin ang pangalan mo sa mga nasawi sa aksidenteng 'yon. Pero wala naman kaming nakuhang bangkay. Wala ding pumapansin samen. Kung saan-saan na kami lumapit. Sinasabi nila na tutulungan nila kami pero dumaan na ang ilang buwan na naging taon wala pa rin kaming nakukuhang impormasyon kung na saan ka na. Masakit man pero... tinanggap kong wala ka na talaga."

"Tay..."

"Doon ko naisip kung gaano kita nasaktan. Kung gaano kamali ang mga ginawa ko sayo, anak. Binaliwala ko 'yon. Kahit na nalaman mo kung sino ang totoo mong ama ay ako pa rin ang pinili mo pero 'di ko man lang 'yon nakita. Nagpatalo ako sa galit ko."

WHEN DESTINY PLAYS - COMPLETED 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon