NAGISING si Grethel Gail na may kung sinong yakap nang yakap sa kanya. Inisip niya na baka nagkukulit at naglalambing na naman ang kambal. Napapangiting tumagilid siya ng higa. Ginawa niyang unan ang mga kamay. Ayaw pa niyang magising. Inaantok pa siya.
Pero bakit may humahalik sa pisngi niya? Sa leeg niya? Sa balikat niya? Hindi naman 'yon ginagawa ng kambal. Doon niya naimulat ang mga mata. Napasinghap siya nang bumungad sa kanya ang gwapong mukha ni Hanzel. Natutop niya ang bibig. Anong ginagawa ni Hanzel sa kwarto niya?
At nakadagan pa ito sa kanya.
"Good morning," nakangiting bati nito sa kanya sabay halik sa ilong niya.
"H-Hanzel?" nauutal-utal pang tawag niya rito. Pero hindi niya naman magawang makapagsalita. Eh kasi ang titig ni Hanzel. Naiilang siya na ewan. Hindi siya sanay na tinitignan siya nito nang ganyan. "B-Bakit?"
"Wala naman," nagulat siya nang bigla na lang siya nitong halikan sa labi. Napahawak siya sa mga balikat nito sa sobrang pagkagulat. Pero tila may sariling isip ang mga labi at kamay niya. Natagpuan na lang niya ang sariling tinutugon ang bawat halik ni Hanzel.
Niyakap siya nito lalo at mas lalong pinailaliman ang halik. Napaungol siya nang bahagya nitong kagatin ang ibabang labi niya. Halos hindi na siya makahinga at mukhang wala pa yatang balak na tigilan ni Hanzel ang labi niya. Tila uhaw na uhaw ito.
Itinapon niya lahat ng agam-agam niya sa puso at buong pusong nagpalamon sa sensasyong ibinibigay ng bawat galaw ng labi nito sa labi niya. Mapusok pero ramdam na ramdam pa rin niya ang pag-iingat nito sa kanya. Wait! Biglang bumaliktad ang sikmura niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa isang balikat ni Hanzel. Kailangan kong magbanyo!
Sinubukan niyang itulak palayo si Hanzel pero ang gago ayaw paawat. Naman Hanzel! Teka lang naman. Awat muna. Pinalo na niya ang likod nito at nang maramdaman niya ang pagtigil nito ay mabilis na itinulak niya ito palayo. Pinipigilan niya ang masuka sa harap nito.
Natutop niya ang bibig saka mabilis na pumunta ng banyo. Napahawak siya sa sink counter dahil sobrang sumama ang pakiramdam niya. Namamawis ang gilid ng mukha niya at kitang-kita niya ang pamumutla ng mukha niya sa salamin. Suka pa rin siya ng suka. Ramdam na ramdam niya ang pagkawala ng lakas ng mga binti niya. Napaupo siya sa tiles na sahig sa sobrang panghihina.
"Gail?" nag-aalalang tawag ni Hanzel sa kanya. Umupo ito paharap sa kanya. He cupped her face at pilit na hinuli ang tingin niya. "Are you okay?"
Pilit na ngumiti siya. "O-Okay lang ako."
"A-Anong nangyari? Bakit ka nasusuka? May sakit ka ba? Masakit ba tiyan mo?" Sinipat nito ang ulo, balikat at mga braso niya. "Anong nararamdaman mo ngayon?"
"Mawawala din 'to. Ganito lang talaga 'to. Sa susunod na buwan wala na din 'to."
Kumunot ang noo nito. "Huh?"
Natawa siya sa reaksyon nito. Ano kayang magiging reaksyon nito kung sasabihin niyang magiging ama na ulit ito.
Ngumuso siya. "Hoy!" aniya. "Feeling close ka masyado. Bakit magkasundo na ba ulit tayo, ha?" Pag-iiba niya.
Napamaang ito. "We just kissed."
"Eh ano?"
"I love you." Napatitig siya rito. Shuks! Hindi ko 'yon inasahan ah. "Mahal kita. Gihigugma taka." Hindi pa rin siya nagsalita. Lalo lang yatang na i-stress ito sa pagiging speechless niya. "Saranghae?"
Natawa naman siya.
"Oy seryoso ako." Ang cute!
"Hanzel."
BINABASA MO ANG
WHEN DESTINY PLAYS - COMPLETED 2017
RomanceHANZEL D'CRUZE - Biglang pinara ng limang armadong lalaki ang bus na sinasakyan nila Hanzel and Grethel Gail. Sa pag-aakalang magkasintahan sila Hanzel at Gail pinilit silang magtalik sa harap ng mga ito. Hanzel had no choice but to agree dahil naka...