Destiny 11

13.4K 505 58
                                    

"HAVE I really not meet you before?"

Natigilan si Gail sa tanong ni Hanzel. Lumakas ang kabog ng dibdib niya. Matagal- tagal nang hindi 'yon nababanggit ni Hanzel sa kanya. Nakakaalala na kaya ito? Sa expression ng mukha nito ngayon animo'y siguradong-sigurado itong nagkakilala na nga sila noon.

"Ahm -"

"Mama!" sabay silang napatingin sa sumigaw. Yumakap sa kanya sila Milko at Milky nang makalapit. Nabigyan siya ng dahilan para ibaling ang tingin sa mga anak. Pero kahit na hindi siya nakatingin kay Hanzel ay ramdam na ramdam pa rin niya ang tingin nito. "Mama, may surprise kami sayo."

"Huh?" napakunot-noo siya.

"Ano ba Milky. Hindi na surprise kasi sinabi mo na."

"Surprise pa rin 'yon dahil 'di pa naman nakikita ni Mama ang surprise natin." Hinila na siya ni Milky papasok sa bahay. "Halika na Mama. Pasok na tayo dali."

Napatingin siya kay Hanzel. Nagbago na ang expression nito. He was smiling at them na para bang tuwang-tuwa itong tignan silang mag-ina.

"Let's go na po. Tito Hanzel pasok ka na rin po."

"Sige na mauna na kayo sa loob." Sagot nito pero grabeh naman kung makatitig sa kanya. Ano ba Hanzel, kinakabahan ako sa tingin mo. "Susunod ako."







NAKATULOG agad ang dalawang bubwit. Mukhang napagod yata sa mga pa surprise nga mga ito at hayun nakatulog agad. Itinaas niya na ang kumot hanggang sa mga dibdib nito saka hinalikan ang mga noo nito. Baba na muna siya at sangkatirbang kalat ang iniwan ng mga makukulit. Isa na 'yong si Hanzel. Hyper masyado.

Didiretso na sana siya sa kusina nang mapansin niya si Hanzel na tahimik na nakaupo sa pool area. Nakalublob ang dalawang paa nito sa tubig at mukhang may malalim na iniisip. Mukhang mauubos na rin nito ang iniinom nitong alak dahil halos wala ng laman ang bote.

Have I really not meet you before?

Natigilan siya nang ipaalala ulit 'yon ng utak niya. Mukhang wala naman yata 'yon kay Hanzel dahil hindi na ulit 'yon itinanong sa kanya. Pero ang tanong niya, bakit kaya bigla 'yong na itanong sa kanya ni Hanzel?

"Shuks!" aalis na sana siya nang matisod siya kaya napasandal siya sa glass door papunta sa pool area. Lumikha 'yon ng tunog. Napangiwi siya sa isip. Anak ka talaga ng pugita Gail!

"Gail?" tawag ni Hanzel sa kanya.

Umayos siya ng tayo at inangat ang mukha kay Hanzel. "Sorry, medyo madilim kasi. Sa kusina lang ako."

"Gail!" Akmang aalis na siya nang muli siya nitong tawagin. "Why don't you stay for awhile." Naibalik niya ang tingin rito. Papalapit na pala ito sa kanya.

"Ano kasi may lilinis -"

"Saka mo na 'yon linisin. Makakapaghintay ang mga 'yon." Para yata siyang na kuryente nang hawakan nito ang isang kamay niya. Hinila siya nito palabas ng bahay hanggang sa makalapit sila sa pool area. "Stay here. Don't look back."

Kumunot ang noo niya. "Huh?"

"I'll be back." Kinindatan siya nito bago siya nito iniwan. Akmang lilingon siya nang sumigaw ulit ito. "Huwag makulit Gail. I said don't look back."

"Magiging bato ba ako kung lilingon ako?" pabalang niyang sagot na hindi niya alam kung saan niya hinugot ang lakas ng loob na sagutin ito ng pabalang.

"Nope but I guess you'll be surprise. Now turn around." Napasinghap siya sa gulat nang paglingon niya ay binati siya ng isang pumpun ng mga bulaklak. "Happy Valentines day Gail."

WHEN DESTINY PLAYS - COMPLETED 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon